Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, June 23, 2006

CALL CENTER TRAINING

TRAINING: Patuloy ang mga isinasagawang Call Center Training bilang paghahanda ng mga residente ng lungsod sa lumalaking industriya ng Call Center sa bansa. INSET: Si Mayor Gordon sa kanyang mensahe sa mga Call Center Agents sa isinasagawang trainings sa FMA Hall.


CALL CENTER TRAINING,
ISUSULONG SA ‘GAPO

Isa sa pinagtutuunan ng atensyon ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang pagte-training sa mga potensyal na Call Center Agents na taga-Olongapo.

Ito ay naaayon naman sa kaugnay na Programa ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo na “PGMA-Training for Work Scholarship Program”. Ito ay kasama sa P500 milyong pondong inilaan ng nasyonal na pamahalaan kamakailan para tulungan ang mga job-seekers na makahanap ng career sa lumalaking industriya ng Call Center sa bansa.

Bago maging kwalipikado sa isasagawang “100-hour Finishing Course for Call Center Agents”, dadaan muna sa isang libreng pre-assessment ang mga interesado. Ang pre-assessment ay isang simpleng 7-minutong verbal test na gumagamit ng telepono kung saan ‘automated’ ang pag-iiskor. Kung makakapuntos ng 61 pataas, tinataya na silang mga “hirables” o maaari nang matanggap sa call center company kung kaya’t mai-eendorso na sila sa trabaho. Kung 55-60 ang puntos, kwalipikado na sila sa Finishing Course at bibigyan sila ng scholarship certificate sa isang TESDA-Registered Center. Ngunit kung mas mababa pa sa 55, hindi na bibigyan ng kurso sa Call Center Job kundi ire-rekomenda na lamang na kumuha ng iba pang nakalaang aptitude test ng TESDA nang sa gayon ay malaman ang trabahong mas tutugma sa kakayahan nila.

Sa Olongapo, sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr., hinihikayat ni Kgd. Edwin Piano, committee chairman on Labor & Emloyment, ang lahat na kumuha ng libreng pre-assessment test. “Ang testing schedule ay mula Hunyo 19-30, 2006 lamang, kung kaya’t magmadali at huwag ng mag-atubili. Makakakuha ng mga Application Forms sa aking opisina sa City Council, 2/F Olongapo City Hall,” pahayag ni Kgd. Piano. Maari ding pumunta sa TESDA-Olongapo sa Bldg.61-A, Schley St., Subic Bay Freeport Zone.

Ang lumalaking industriya ng Call Center sa bansa ay nasa halagang P2.6 bilyon na may 179,000 na empleyado sa taong kasalukuyan at tinataya pang ti-triple ito sa taong 2010. Dahil dito, ang malaking ‘impact’ nito sa ekonomiya ng bansa ay hindi dapat maliitin. Ang mga Filipino na matagal nang kilala bilang mga Asyanong matatas sa salitang English ay hindi dapat pahuli kung kaya’t hinihikayat ang lahat na hasain ang galing sa pagsasalita ng Ingles upang mapakinabangan ito sa empleyo.
Olongapo Public Affairs Office

3 Comments:

  • 22o po ba yan?! kasi po dumaan po ako sa pre-assessment, di naman po verbal ung test... more on psychological.. san po ba pwede mag pre assessment yung katulad po sa sinasabi nyong 7 minutes verbal test!? pakisagot naman po!!!

    By Anonymous Anonymous, at 5/28/2008 9:15 PM  

  • Hello, pwede rin po ba ang Fresh High School Graduate jan? interested po kasi ako. and I'm graduating now [2010] I thought with this to join. please if you have read this send an mail with my email : albuera.lotc@ymail.com

    Hope for your immediate response.

    God Bless!

    By Anonymous Anonymous, at 1/05/2010 6:37 PM  

  • Yup. totoo yung Free Call Center Philippines Training kahit sa Cebu meron din yan. I think sa TESDA yun.

    By Blogger Taking You Forward, at 10/06/2010 5:47 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012