Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, June 13, 2006

MALAWAK NA KAALAMAN SA PANAHON NG TRAHEDYA

Bunga ng naganap na kalunos-lunos na trahedya dulot ng intensity 6.3 magnitude earthquake na kumitil sa buhay ng mahigit anim na libo dalawang daang (6,200) katao at nagpabagsak sa mga gusali at tahanan sa Java Island sa Indonesia ay agarang nagpalabas ng anunsyo ang Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo sa mga Local Government Units (LGU) na magsagawa ng mga earthquake drills sa mga mamamayan nito.

Isang bagay na maipagmamalaki ng Olongapo sapagkat ritwal ng isinasagawa sa lungsod ang mga Simulated Earthquake Safety Drills kabilang na sa mga paaralan, high rise buildings tulad ng commercial at industrial establishments partikular na sa mga matataong lugar.

Bago pa man matapos ang school year 2005-2006 ay nasuyod na ng Disaster Management Office (DMO) sa pangunguna ni DMO Head Angie Layug ang ibat-ibang paaralan at libo-libo na ring mga kabataang mag-aaral at mga guro ang sumailalim sa drills.

Sa kasalukuyang taon, nitong buwan ng Abril ay isinagawa ang drills at public awareness drive on earthquake hazards ng DMO sa Mart One at CENTRO samantalang, muling sasailalim nitong Mayo ang Olongapo City Mall sa ikalawang drill upang higit pang


maintindihan ng mga tenants at mall-goers ang kahalagaan nito.

Maging ang Olongapo City Hall na araw-araw ay dagsa ang mga residenteng tumutungo rito ay sasailalim rin sa isang malawakang earthquake drill na lalahukan ng mga opisyales at kawani. Sininimulan na rin ng DMO ang paggawa ng mga babasahing ipapakalat para sa bawat pamilya ng lungsod na sesentro naman sa family evacuation plan.

Sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’ Gordon, Jr. ay bubuo ang lungsod ng isang komite na tatawaging Olongapo City Hall Disaster Committee na kinabibilangan ng ibat-ibang ahensya at departamento ng lungsod na direktang mangunguna sa pagsasagawa ng mga pagpaplano, pag-agapay at rehabilitasyon matapos ang pagyanig.

Ang mga isinasagawang paghahanda ay base sa atas ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na mabigyan ng malawak na kaalaman ang mamamayan ng lungsod ukol sa lahat ng uri ng sakuna lalo na ang lindol na walang makakapag-sabi kung saan at kailan ito tatama.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012