Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, July 28, 2006

EVACUATION SITES PARA SA MGA BINAHA, NAKAHANDA!

Naging alerto ang Disaster Management Office (DMO) sa paglilikas ng mga pamilyang binaha ang mga kabahayan dahil sa malakas na bugso at walang humpay na pag-ulan dala ng Bagyong Glenda.

Nitong umaga ng Hunyo 25, agad na in-identify ng DMO sa pangunguna ni DMO Head Angelito Layug ang mga barangay na umapaw na ang tubig. Ang lugar ng Purok 1 ng Brgy. Sta. Rita, Mactan Old Cabalan, New Banicain, New Ilalim, New Kababae at West Tapinac ay ang mga apektadong lugar. Sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr., nagtalaga ng mga evacuation sites upang may paglagakan ng mga pamilya na apekatado ng baha.

Ang Barangay Hall ng Old Cabalan ay pansamantalang ginamit upang maging evacuation site ng labimpitong (17) pamilya mula sa Mactan, samantalang ang mga classrooms ng Olongapo City National Highschool (OCNHS) ay ginamit ng labing-apat (14) na pamilya mula sa New Kababae, New Ilalim at Sta. rita. Binisita at kinumusta ni Mayor Gordon kung maayos ang kalagayan ng mga pamilya na pansamantalang mananatili doon hanggat mataas ang baha sa kani-kanilang mga lugar.

Magugunitang patuloy ang mga hakbanging ipinatutupad ng lungsod partikular ni Mayor Gordon upang labanan ang pagbabaha sa Olongapo na dating swamp lands o latian kaya vulnerable sa mga pagbaha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012