Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, July 13, 2006

Ina, 3 anak pisak sa punungkahoy

Ang Pilipino STAR Ngayon 07/13/2006

OLONGAPO CITY – Hindi na sinikatan ng araw ang apat na mag-iina makaraang bumagsak ang malaking punungkahoy sa kanilang bahay habang nasa kasagsagan ng malakas na hampas ng hangin at buhos ng ulan dulot ng bagyong "Florita" kamakalawa ng gabi sa Olongapo City.

Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Tessie Villegas, 43 at mga anak na sina Gilbert, 4; Jobert, 2; at Jeric, 2 na pawang naninirahan sa Purok 2 sa Barangay New Cabalan ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang ginagamot sa James L. Gordon Memorial Hospital ang mag-amang Sonny Sulano, 47; at Angelica Villegas, 6 matapos magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan dulot ng punungkahoy na bumagsak sa kanilang bahay.

Sa ulat ni PO1 Johnstone Lloyd Cortez na isinumite kay P/Senior Supt. Angelito Pacia, Olongapo City police director, naitala ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi habang nagpapahinga ang pamilya Villegas sa loob ng kanilang bahay.

Napag-alamang napuruhan ng malaking punungkahoy ang apat na mag-iina kung saan kinailangan pang magtulung-tulong ang mga tauhan ng Civilian Rescue Team ng Barangay Cabalan at pulisya upang maialis sa pagkakaipit ang mga biktima.

Nailigtas naman sa karit ni kamatayan ang mag-amang Sonny at Angelica kahit may mga galos sa iba’t ibang katawan. (Jeff Tombado)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012