BOOK DONATIONS SA CITY LIBRARY, PATULOY!
Kahon-kahong mga babasahing-libro para sa Olongapo City Public Library ang tinanggap kamakailan lamang ng Mayor’s Office para sa lungsod ng Olongapo.
Sa ngalan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay tinanggap ni Olongapo City Public Library Head Beth Daduya ang mahigit isangdaang (100) piraso ng mga assorted books buhat kay Jimmy Lorenzana.
‘’Lubos akong nagpapasalamat sa mga patuloy na nagbibigay ng libro sa ating Public Library at magandang regalo ito para sa mga studyante,’’ wika ni Beth Daduya.
“Malaking tulong ito lalo na sa mga kabataang walang sapat na salapi upang makabili ng libro para sa kanilang pag-aaral. Nakiki-usap rin ako sa mga kababayan natin na mag-donate pa ng libro para sa ating City Library, “ dagdag pa ni Daduy
‘’Para sa mga nagnanais pang mag-donate ng libro ipagbigay alam lamang po ang inyong naisin sa tanggapan ni Mayor Bong Gordon sa City Hall o mismong sa City Library o tumawag sa 224-8634,’’ pagwawakas ni Beth Daduya.
Maging ang ibat-ibang samahan at organisasyon ay patuloy ang suporta dahil hindi nawawala sa kanilang programa ang book donations sa City Library. At hindi rin pahuhuli ang mga balikbayan ng lungsod dahil malaking bilang ng mga libro ay buhat sa mga ito.
DONASYON: Inabot ni Mr. Jimmy Lorenzana kay City Public Library Head Beth Daduya ang ilan sa mahigit na isandaang (100) assorted books na donasyon niya para sa City Library.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home