Clark incentives bill pinamamadali ng BCDA
Ang Pilipino STAR Ngayon
Hiniling ng pamunuan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) kay Sen. Ralph Recto na pagtuunan ng prayoridad ang Clark Incentives and Tax Amnesty bill para maging ganap na batas ito sa pagbubukas ng Kongreso ngayong Hulyo 24.
Ayon kay BCDA President Narciso Abaya, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong batas para matiyak na patuloy ang pagpasok ng mga mamumuhunan sa bansa at ng sa ganoon ay tuluy-tuloy din ang trabaho ng libu-libong Pinoy.
Nauna ng nagpahayag ng pasasalamat si Abaya kay Recto, chairman ng senate committee on Ways and Means, nang isponsoran nito ang Clark Incentives and Tax Amnesty Bill sa Senado, na siyang nagiging batayan para maging malakas ang lokal na ekonomiya.
Sa kanyang liham, sinabi ni Abaya na ang pag-isponsor ni Recto sa naturang panukala ay sagisag ng kanyang hakbang para makakuha ng mga foreign investors sa ating bansa.
Tinukoy din ni Abaya na nagdadalawang-isip ang mga investors dahil na rin sa kawalan ng probisyon na nagbibigay ng insentibo sa mga locators alinsunod na rin sa nakapaloob sa BCDA Act of 1992 sa Clark Special Economic Zone, taliwas sa nangyayari sa Subic Bay Special Economic and Freeport Zone.
Idinagdag pa ni Abaya, na ang pagkakaroon ng batas hinggil dito ay ang tanging paraan para makapasok ang mga investors o locators sa Clark. (Rudy Andal)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home