Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, July 22, 2006

MGA BANGLADESHI, HUMANGA SA POPDEV INITIATIVES NG ‘GAPO

Bumisita sa Lungsod ng Olongapo ang mga opisyales ng bansang Bangladesh Ministry of Information nitong Hulyo 20, 2006 para sa isang UNFPA-supported advocacy project. Ang delegasyon ng Bangladesh ay binubuo ng siyam na opisyales.

Ang UNFPA o United Nations Population Fund for Assistance ay sumusuporta sa mga programang may kinalaman sa population control & development, reproductive health at gender sensitivity. Katulad ng Bangladesh, kasama ang Olongapo sa mga napiling lungsod sa Pilipinas na suportahan ng UNFPA para sa limang taong programa nito. Ang pagbisita sa lungsod ng mga Bangladeshi ay isang lakbay-aral upang makita nila ang mga inisyatibong isinasagawa sa Olongapo.

Isang mainit na pagsalubong ang ibinigay ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. para sa mga bisita ng dumating ang mga Bangladeshi sa Olongapo City Hall para sa orientation ng mga programa ng lungsod sa Population Control & Development, Reproductive Health at Gender Sensitivity. Pinangunahan ni City Health Depatment Dr. Arnildo Tamayo ang talakayan at naging mabunga ang mga usapan.

“Kami ay lubos na nagagalak na napili ninyong bisitahin ang aming lungsod upang maging huwaran ninyo sa mga programang nauukol sa Population Control & Development, Reproductive Health at Gender Sensitivity. Bukas kami sa pagbabahaginan at pagpapalitan ng mga kaalaman para sa pareho nating kapakinabangan,” saad ni Mayor Gordon sa mga bisita.

Sa mga tinalakay sa Orientation, bumilib sila sa mga konkretong programang isinasagawa ng lokal na pamahalaan. Napatunayan pa ang kanilang paghanga ng bigyan sila ng Tour sa James L. Gordon Memorial Hospital, partikular sa pasilidad nitong Women’s Clinic at HIV Core Team. Dinala rin ang delegasyon sa bagong bukas na Women’s Center sa Mayumi St. sa Sta. Rita para i-address ang gender-sensitivity issue, at dinala rin sila sa mga Barangay Health Centers na siyang frontliners ng lungsod sa mga mamamayan para i-address ang population control at reproductive health sa community level.

Naging mabunga ang pagbisita ng mga Bangladeshi sa lungsod at ipinangako nila na ang mga nakita nilang magagandang programa ng lungsod ay dadalhin nila sa kanilang bansa para sa epektibong pagpapatupad ng layunin ng UNFPA sa Bangladesh.
Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay mensahe sa mga bumisitang opisyales ng Bangladesh Ministry of Information. Ang isinagawang lakbay-aral ng delegasyon ay bilang pag-obserba sa mga programa ng lungsod kaugnay sa Population Control & Development, Reproductive Health at Gender Sensitivity

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012