Subic rape victim uupo na rin sa witness stand
Ng Journal Online
NAKATAKDANG tumestigo sa Subic rape case sa darating na Huwebes, Hulyo 6, ang mismong biktima sa kaso na si “Nicole”.
Sa report ng dzBB, sinabi ni prosecution lawyer Evalyn Ursua na isasalaysay ng biktima ang ginawa sa kanya ng mga Amerikanong sundalo noong Nobyembre 1, 2005.
Sa kasalukuyan ay inihahanda na raw si “Nicole” para sa pagtestigo nito. Pirmi na raw itong kinakausap ng therapist, ng pamilya at pinagsabihan na rin na maghanda sa lahat ng posibleng itatanong ng mga abugado ng depensa.
Bukod sa biktima, anim na iba pang testigo ang nakatakdang humarap sa korte sa Huwebes. Kabilang dito ang driver ng Starex van na si Timoteo Soriano na nauna nang “naglaban o bawi” sa kanyang affidavit.
Tungkol sa inaasahang pagdagsa ng media sa araw ng pag-upo ni “Nicole” sa witness stand, sinabi ni Ursua na karaniwan nang hindi pinapayagan ang media sa loob ng courtroom subalit sa pagkakataong ito ay payag sila.
Maaari naman daw palabasin na lamang ang mga mamamahayag kapag napakasensitibo na o lubos nang kahiya-hiya sa sarili ang ilalahad ng biktima.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home