Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 19, 2006

TULUY-TULOY ANG PAGSULONG NG PAGNENEGOSYO

Suportado ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang Small Medium Enterprises Development Council o SMED Council Week Celebration ngayong Hulyo 17-21, 2006.

Nitong Lunes, Hulyo 17, ay nagkaroon ng motorcade. Ang pagdiriwang na may temang “Sulong Negosyo” ay buhay sa mga streamers na nakabandera sa mga sasakyang kasamang umikot kaugnay ng SMED-C Week upang ipaalam sa mga mamamayan ng lungsod ang kahalagahan ng pagnenegosyo.

Binuksan din sa Olongapo City Mall ang 1-week product exhibit ng mga Gawang Gapo products na suportado ng Olongapo City Livelihood & Cooperative Development Office. Nagkaroon din ng briefing ukol Barangay Micro-Business Enterprise (BMBE) na ginanap sa mga barangay.

Ang layunin na isinusulong ng SMED-C ay kaisa ng mga programang isinusulong ng pamahalaang lungsod. Masigasig si Mayor Gordon upang palakasin ang livelihood o pagnenegosyo ng mga mamamayan. “Inaasahan ko na sa effort na ginagawa ng pamahalaang-lokal tulad ng regular na livelihood skills training, at maging livelihood assistance, ay mabubuhay ang pagnenegosyo dito sa lungsod, at dadami maging mga maliliit na negosyante.”

Magugunitang sa panunungkulan ni Mayor Gordon, naglaan siya ng opisina para sa Livelihood, upang siyang mangasiwa sa paglago at pang-eengganyo ng marami pang iba na nagnanais na magsimula ng negosyo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012