Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 18, 2006

NATIONAL DISABILITY PREVENTION & REHABILITATION WEEK

Ipagdiriwang ng bansa ang 28th National Disability Prevention & Rehabilitation (NDPR) Week sa darating na ika-17 hanggang 23 ng Hulyo 2006 at sa Lungsod ng Olongapo ay puspusan na ang paghahanda ng ibat-ibang organisasyon rito.

Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kabalikat ang Council for the Welfare of Disabled Persons (CWDP) ang pangunahing departamento at organisasyon sa lokal na pamahalaan ang tumututok sa mga programa para sa mga may kapansanan ng lungsod.

Kasama sa mga aktibidad ay ang mga sumusunod:

July 14, 2006 – paglalahad ng mga streamers at pylons sa mga pangunahing lugar sa lungsod.
July 17, 2006 (7:30am/Rizal Triangle Covered Court) - Flag Raising Ceremony.
July 14, 2006 (9:00am) –Motorcade na iikot sa mga pangunahing lansangan sa lungsod na lalahukan ng mga kabataang may disabilidad kasama ang kanilang mga magulang.
July 18, 2006 (SINAG Center) – Orientation Seminar ng mga magulang bilang dagdag kaalaman sa pag-aaruga sa mga impaired individuals.
July 19, 2006 - Poster-making Contest
July 20, 2006 (City Mall) – Reflexology / Massage Demo & Service buhat sa Nino’s Pag-asa Center.
July 21, 2006 (FMA Hall) – Self-help Group Elimination Cooking Contest
July 22, 2006 (Columban Parish Church) – Thanksgiving Mass
July 24 – 28, 2006 (City Hall Lobby) – Art Exhibit tampok ang gawa ng mga impaired individuals.

Samantala, buo ang suportang ibinibigay ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa council partikular na sa pag-buo ng mga programang laan para sa kapakanan ng mga mamamayang may kapansanan ng lungsod.

Matatandaan na maayos rin na isinagawa ang Paralympics-isang sports cpmpetition ng mga may kapansanan upang maramdaman ng mga ito ang kahalagahan bagamat may disabilidad.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012