Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, July 16, 2006

WANTED: OUTSTANDING VOLUNTEERS NG BANSA

Isang Search for Outstanding Volunteers ang inilunsad ng Philippine National Volunteers Service Coordinating Agency (PNVSCA) para sa natatanging Filipino Citizen at Filipino volunteer organizations at local chapter of foreign volunteers organizations na nagpamalas ng kakaibang assistance sa bansa.

Sa pamamagitan ng ibat-ibang Department Heads, Barangay Officials, Sangguniang Kabataan (SK) at mga residente ng labingpitong (17) barangay sa lungsod ay nagpalabas ng paanyaya si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. para sa natatanging nominasyon.

Ang paanyaya ay batay sa Pambansang Proklamasyon 55 na nagtatalaga sa buwan ng Disyembre bilang buwan ng boluntarismo kung saan ang highlight ng selebrasyon ay ang pagbibigay pugay at pagkilala sa mga Filipino volunteers na nagpamalas ng kakaibang galing at dedikasyong magbigay ng serbisyong bulontarismo na nagbunga sa pagbuo ng isang matibay na komunidad saanmang panig sa bansa.

Ang nominasyon ay hahatiin sa mga sumusunod na kategorya:

a)Individual Category

Youth (15-30 years old)
Adult (31 years old and above)

b)GroupCategory: Organizations/Institution

Ang tatanghaling Regional Awardee ay makakatanggap ng Certificate of Recognition samantalang ang National Awardee ay makakatanggap naman ng trophies.

Sa lungsod, ang nomination forms ay makukuha sa Office of the City Administrator, City Hall Complex samantalang ang lahat ng nominasyon ay maaaring ipadala sa Search for Outstanding Volunteers (SOV) Regional Search Office Committees (RSCs) NEDA Complex, EDSA, Diliman, Quezon City bago ang ika-15 ng Agosto 2006.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012