TRAFFIC ENFORCERS, PINAHALAGAHAN NI MAYOR BONG
Tuwang-tuwa ang mga traffic enforcers ng lungsod nang pagdesisyunan ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. na buuin ang Office of the Traffic Management & Public Safety sa ilalim ng Office of the City Mayor. Si Col. Jerito A. Adigue ang itinalaga ni Mayor Gordon na mamuno sa bagong tatag na opisina.
Ang dating Traffic Management Board (TMB) ay isang kooperatiba na nagpapasweldo sa mga traffic enforcers. Ngunit sa bagong pamamalakad, ang mga traffic enforcers ay mga empleyado o kawani na ng pamahalaang lokal. “Sinisiguro ko rin na lahat kayong mga traffic enforcers ay mai-aabsorb, at walang masisibak,” ayon kay Mayor Gordon na sinalubong ng palakpakan mula sa mga traffic enforcers makaraang ianunsyo ito ni Mayor Gordon sa flag ceremony ng mga kawani.
Matatandaang kamakailan lamang ay pinaglaanan ng lokal na pamahalaan ang mga kagamitan para sa mga traffic enforcers. Makabagong reflectorized traffic gear, mga flashing rods, pito at sound system ang ilaan sa mga ito. Ito ay para sa mas epektibong performance at tapat na pagpapatupad ng batas-trapiko at pagpapaluwag ng mga kalsada. “Mahalaga ang trabaho at misyon ninyo sa lansangan kaya’t sinusuklian natin ng sapat ang inyong pagseserbisyo-publiko,”pagtatapos ni Mayor Gordon.

TMPS MEETING: Pinulong ni Mayor Bong Gordon ang mga opisyales at kawani ng bagong tatag na Traffic Management & Public Safety (TMPS) na dating Traffic Management Board (TMB) sa FMA Hall kamakailan lamang.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home