SAKUNA SA BAGYO, MABILIS INAKSYUNAN
Isang sakuna ang mabilis na tinugunan ng Disaster Management Office (DMO), sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr.
Habang malakas ang buhos ng ulan sanhi ng bagyong Florita, isang puno ang bumagsak na naging dahilan ng pagkagiba ng bahay ni Sonny Solano sa Purok 2 New Cabalan at ikinamatay ng kanyang asawang si Teresita Villegas, 42 taong-gulang, at ang tatlo nitong anak, si Gilbert,5, at ang kambal na si Jose Alberto at Jose Enrique, na may edad na tatlo. Nalampasan naman ni Solano at ng isa pang anak na si Angelyca, ang trahedya.
Nakatanggap ng tawag ang DMO ilang minuto matapos maganap ang insidente, at agad na tinugunan ng Olongapo Fire & Rescue Team (OFRT) at ng Barangay New Cabalan Volunteer Fire Rescue Brigade na nagsugod ng mga biktima sa James L. Gordon Memorial Hospital. Agad namang iniutos ni Mayor Gordon ang lahat ng klaseng tulong para sa mga biktima at sa pamilya nito.
Agaran ding dumating ang mga social workers mula sa City Social Welfare & Development Office upang um-assist at magbigay ng counselling sa mga kapamilya. Sinagot din ni Mayor Gordon ang medical at hospital expenses upang makagaan sa emosyonal na bigat na dinadala ng mga naulila. Inasikaso na rin ang maayos na pagpapalibing sa apat na casualties na ngayo’y nakaburol sa Flores Funeral.
“Kayo na po ang magpaabot ng lubusan naming pasasalamat kay Mayor Gordon at sa lahat ng mga taga-Rescue Team at Social Welfare sa lahat ng tulong na ibinigay nila sa aming pamiya. Malaking kabawasan ito sa tindi ng dagok na nararamdaman namin,” saad ni Merlita Villegas-Merza, kapatid ni Teresita.
Nitong umaga, Hulyo 12, 2006, personal na bumisita at kinumusta ni Mayor Gordon ang ama na naka-survive sa trahedya. Personal din niyang inispeksyon ang pinangyarihan ng trahedya, at ipinag-utos ang pagtatabas ng mga delikadong puno sa mga bara-barangay upang maiwasan ang pagkaulit ng ganitong trahedya.
Bilang karagdagang-tulong, binigyan ng livelihood assistance ni Mayor Gordon si Solano upang makapagsimula ng panibagong-buhay. Agarang tulong ang ibinigay ni Mayor Bong Gordon kay Sonny Solano na naulila sa kanyang asawa’t tatlong anak, makaraang ang isang puno ay bumagsak sa kanilang kabahayan sa kasagsagan ng bagyong Florita. Sa inset: Personal na ininspeksyon ni Mayor Gordon ang lugar na pinangyarihan ng trahedya at agarang ipinag-utos ang pagtatabas ng mga delikadong puno sa bawat barangay.

1 Comments:
Bilis ng tulong sa panahon ng kalamidad, tanda ng mahusay at maaasahang liderato ni Mayor Bong
By Anonymous, at 7/13/2006 1:31 AM
Post a Comment
<< Home