Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 18, 2006

“BASURA NYO ITAPON NYO, PERO HUWAG SA ILOG’’ – Mayor Gordon

Muling pina-alalahanan ni City Mayor James ‘’Bong’ Gordon, Jr. ang mga residente ng Lungsod ng Olongapo na huwag magtatapon ng mga basura sa mga ilog at kanal.

‘’Dapat ay pangunahan ng mga opisyales at kawani ng City Hall ang giyera laban sa mga basura. Dapat kayong maging modelo at inspirasyon ng mga residente ng lungsod,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Ang panawagan ay naganap sa harap ng mga opisyales at kawani ng City Hall sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Covered Court. ‘’Kung may nakikita kayong nagtatapon ng basura sa mga lugar na hindi dapat pagtaponan, pagsabihan ninyo sila,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

‘’Dapat nating ipakita na seryoso tayo sa pagpapanatili ng kalinisan ng Olongapo. Dahil lahat tayo ay makikinabang kapag malinis ang lungsod,’’ ayon pa kay Mayor Gordon.

Masiglang isinasagawa ang mga Clean-up Drive sa lungsod tulad na lamang nitong nakaraaan Sabado at Linggo kung saan magkakaisa ang mga residente ng 17 barangay ng Olongapo na magsasagawa ng paglilinis sa kani-kanilang lugar.

Ang paglilinis ay isasagawa partikular na sa mga barangay na ang mga ilog ay ginagawang dumping site ng basura na ang ibinigay na resulta ay pagbaha at posibleng paglaganap ng sakit.
Sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon ay tuloy-tuloy ang isinasagawang pag-iikot ng Jog-inspection Team upang makita ang kalagayan ng mga ilog at kanal sa ibat-ibang barangay sa lungsod.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012