Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, July 22, 2006

Wish Ko Lang Bong Gordon Style

SIMPLENG HILING NG PASLIT, AGAD TINUGUNAN

Isang munting kahilingan mula sa isang bata ang agad na tinugon ni Mayor James “Bong” Gordon Jr.

Si Florence P. Sulse, isang Grade 5 student na nakatira sa Upper Domingo St. Gordon Heights, ay lumiham kay Mayor Gordon. Sa kanyang sulat, sinabi ng bata “mabait daw po kayo, kayo po sumulat ako sa inyo,” habang humiling ito ng mga kagamitang pang-eskwela para sa kanilang limang magkakapatid dahilan sa pinansyal na kakulangan ng kanilang magulang.

Hindi naman binigo ni Mayor Gordon, kasama ang kanyang maybahay na si First Lady Anne Marie, ang bata. Agarang pinasundo ang mga bata para tanggapin ang mga school supplies na inihanda para sa kanila.

Lubos ang pasasalamat ni Florence kay Mayor Bong at ipinangakong pagbubutihin ang pag-aaral. Saad ni Mayor Gordon, “natutuwa ako sa liham mo at hindi ka nag-atubili na sulatan ako. Patunay lang na desidido ka sa iyong pag-aaral, kaya’t dapat lang na tugunan ko ang hiling mo,” habang iniaabot ang mga notebooks at iba pang school supplies.
Magkatuwang na iniabot nina Mayor Bong Gordon at First Lady Anne Marie kay Florence P. Sulse ang mga gamit pang-eskwelang kanyang kahilingan sa punong-lungsod. Kasama ni Florence na tumanggap sa City Hall ang kanyang nakakatandang-kapatid.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012