Development Plans para sa City Public Market, Ipinaliwanag ni Mayor Gordon
Pinulong ni Mayor James Gordon ang humigit kumulang sa 50 side walk Muslim Vendors ng Olongapo City Public Market noong ika-25 ng Agosto 2006 sa FMA Hall .
Ipinatawag ni Mayor Gordon ang naturang mga vendors upang ipaliwanag ang mga repormang gagawin ng pamahalaan upang lalong mapabuti ang serbisyo ng nasabing palengke sa lungsod. Ayon kay Mayor Gordon, nais nyang maging ligtas at malinis ang loob at labas ng palengke kaya nya hinihingi ang pakikiisa ng lahat ng vendors.
“Sa bagong proyekto na ipatutupad ng lungsod, magiging maluwag ang mga sidewalks ng palengke at sa mga oras ng emergencies katulad ng sunog ay madaling makakapasok ang rescue at fire department sa mga kalye sa paligid ng palengke,” wika ni Mayor Gordon.
Ayon kay Mayor Gordon, bibigyan ng kaukulang pwesto ang mga side walk vendors sa paligid ng palengke. Ipinakita rin ng punong lungsod ang mga planong itsura ng tindahan na magiging maganda sa paningin ng mamimili at mga turista. “Pagagandahin natin ang inyong mga tindahan nang sa gayon ay maging presentable ang inyong paninda sa mga customers at kung kayo ay may mga tamang pwesto na, makatutulong din kayo sa pagsasaayos ng mga daanan sa lungsod.
Ang planong pagsasaayos ng mga vendors ng lungsod ay alinsunod sa batas na ipinagbabawal ang pagtitinda sa mga daanan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan. “Masakit sa akin na makitang mawawalan kayo ng mga hanap-buhay at negosyo, kaya naman pinag-iisipan din ng lungsod kung ano ang mga paraan upang maisaayos ang mga lansangan nang hindi isinasakripisyo ang ikanabubuhay ninyo,” ang paliwanag ni Mayor Gordon sa grupo ng mga vendors.
Hiningi ni Mayor Gordon ang kooperasyon ng mga vendors sa pansamantalang solusyon na ito ng gobyerno sa suliranin sa sikip ng daan sa pamilihan. Ipinakita ng punong lungsod ang mga future development plans para sa Olongapo City Public Market. Ayon sa presentasyon, kasalukuyan nang pinaplano ang pagpapagawa ng isang modernong pamilihan na may 3 hanggang 4 na palapag kung saan pwedeng magtinda ang lahat nang gustong mag-negosyo at walang nang magtitinda sa labas ng palengke.
Samantala, makikipagpulong din si Mayor Gordon sa mga stall owners sa loob ng Olongapo City Public Market upang marinig naman ang kanilang mga hinaing at upang ipaliwanag din ang mga plano ng lungsod sa pagsasaayos ng palengke at lansangan sa paligid nito.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home