Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, September 07, 2006

KOREAN LANGUAGE ORIENTATION, IDINAOS

Napuno ng mahigit kumulang 300 katao ang FMA Hall noong ika-2 ng Setyembre sa isinagawang Korean Language Orientation na pinangunahan ni Anna Blas, POEA Coordinator ng Region III.

Ang Korean Languange Orientation ay naglalayon na bigyan ng pagkakataon ang mga taga-Olongapo na magkaroon ng pagkakatiwalaang institusyon na accredited ng POEA kaugnay ng pag-aaral ng lenggwaheng Koreano. Sa panuntunan ng POEA, ang mga aplikanteng interesadong magtrabaho sa Korea ay kinakailangang makapasa sa Korean Languange exam dahil na rin sa kagustuhan ng pamahalaan na maging mas maayos ang pakiki-pagtalastasan ng mga mangagawang Pilipino sa kanilang mga employers sa nasabing bansa. Ganito rin ang gusto ng mga Korean employers kung kaya’t binibigyan ito ng prayoridad ng gobyerno.

Dumalo rin sa nasabing oryentasyon si Mayor James Gordon Jr. na nagbigay ng kanyang mensahe para sa mga mangagawang gustong makarating ng Korea. Pagtulong at malasakit sa kapwa taga-Olongapo ang naging paksa ng kanyang pananalita. “Kapag nandoon na kayo sa Korea, tulungan nyo rin ang mga kababayan na naiwan dito sa pamamagitan ng paghanap ng trabaho o kompanya na maaaring kumuha sa kanila doon,” wika ng alkade.

Samantala, ayon naman kay Blas, ang POEA ay kasalukuyang tumatanggap ng mga aplikante patungong Korea upang mairehistro na ang kanilang mga pangalan sa database ng nasabing ahensya. Pagkatapos ng registration, ang mga aplikante ay tatawagan upang mag-exam ng Korean Language at ang mga makakapasa ay magiging qualified na para magtrabaho sa bansang naturan.

Para sa mga interesadong mag-aral ng Korean Language makipag-ugnayan lamang kay PESO Manager Evelyn delos Santos at sa mga gustong magparehistro sa POEA, magsadya rin sa City Labor Center upang mabigyan ng kaukulang referral at instructions papunta sa Clarkfield, Pampanga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012