Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 05, 2006

LIVELIHOOD TRAINING NASA BARANGAY NA!

Matapos ang mga barangay ng Barretto, New Banicain at East Bajac-Bajac ay ang Barangay Sta Rita ang susunod na tutunguhin ng Livelihood Cooperative Development Office (LCDO) sa ika-7 at 8 ng Septiembre 2006 upang magsagawa ng “Libreng Livelihood Training sa Barangay”.

Ang barangay per barangay program ay batay sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. na maiparating ang mga kaalamang may kinalaman sa pag-nenegosyo upang makahikayat ng mga residenteng mag-simula ng pagkakakitaan maging sa sariling tahanan.

Base sa talaan ng LCDO malaking bilang ng trainees ay mga kababaihang edad 18 pataas, ‘’Ang mga kababaihan ang kadalasang magaling sa pagnenegosyo dahil sa pagkamasinop at kasanayan sa pagba-budget,’’ wika ni Mayor Gordon .

Ang mga trainees ay binibigyan ng kasanayan sa cooking, baking, food processing, kabilang rin ang mga pamantayan sa management at marketing.

Ang Livelihood ay bahagi ng 10-point Agenda ng administrasyon ni Mayor Gordon kaya todo-suporta ang ibinibigay upang maalalayan ang mga nagnanais magnegosyo. Naglalaan din ng pondo si Mayor Gordon upang matulungan sa pinansyal na aspeto ang mga nagsisimulang negosyante.

‘’Kailangan lamang sa mga nabibigyan ng puhunan ay pagsikapang palaguin at ingatan ito upang sa gayo’y marami pa rin tayong matulungan,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Pag-asa naman ang nakikita ng mga dumalong trainees sa Libreng Livelihood Training sa Barangay na magagamit sa kanilang pag-ilanlang sa mundo ng pag-nenegosyo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012