Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, September 06, 2006

OLONGAPO ANG PINAKA CHILD-FRIENDLY CITY SA BUONG REGION – 3

Buong pagmamalaking inanunsyo ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo ang muling pagwawagi ng lungsod sa prestiyosong 2006 Search for the Presidential Award for the Most Child-friendly Cities-Regional Level.

Ang magandang balita ay inilahad ni Mayor Bong Gordon sa Flag Raising Ceremony nitong ika-4 ng Septiembre 2006 sa Rizal Triangle Covered Court.

‘’ Isang malaking karangalan na muling tanghalin ang Olongapo sa Search for the Presidential Award for the Most Child-friendly Cities dahil nagpapatunay ito kung gaano natin pinahahalagahan ang mga bata sa lungsod,’’ bahagi ng mensahe ni Mayor Bong Gordon.

‘’Bagamat patuloy tayong tumatanggap ng award ay hindi pa rin tayo hihinto sa mga programang may kaugnayan sa mga bata. Palagi nating tatandaan na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

-more-


Sa pagkaka-panalo sa buong Region 3 ay nangangahulugan na ang Olongapo City ang magiging pambato sa National Search for the Presidential Award for the Most Child-friendly Cities kung saan makakabangga nito ang iba pang bigating lungsod tulad ng Davao at Baguio City.

Inaasahan na sa buwan ng Oktubre ay darating sa lungsod ang validating team na magsasagawa ng ebalwasyon para naman sa National level ng kompetisyon. Buhat ng simulan ang kompetisyon taong 1999 ay nag-number 1 ang Olongapo sa mga taong 2001, 2002 at 2003.

Ang Search for the Presidential Award for the Most Child-friendly ay taunang kompetisyon ng mga lungsod at munisipalidad batay sa Executive Order 184 na naglalayong bumuo ang bawat lugar sa bansa ng mga programa at proyektong may kaugnayan sa kabataan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012