Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, September 18, 2006

Pagsosolo ni Sabio matatapos na -- Gordon

Boyet Jadulco/Noel Abuel -- Abante

Bilang na ang araw ng pag-iisa ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) chairman Camilo Sabio sa kustodya ng Senado dahil anumang araw ay sasaluhan umano ito ng isang PCGG official na pinaniniwalaang si Commissioner Ricardo Abcede at ng isa pang direktor ng Philippine Communications Satellite Corp. (Philcomsat).

Ito ang ibinunyag kahapon ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate committee on government corporations and public enterprises, na siyang nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Sabio at sa apat nitong komisyuner at sa ilang opisyal ng Philcom sat Holdings.

Noong una ay tumanggi pa si Gordon na pangalanan ang PCGG commissioner na natunton na umano ng Office of Sgt.-at-Arms (OSAA) ng Senado at dadamputin na anumang araw mula ngayon. Ngunit hindi rin nito napigilang ilarawan si Abcede bilang pagtukoy sa opisyal.

Bukod kay Abcede, may isa pa umanong Philcomsat director na natunton na rin ng OSAA.

Samantala, inamin kahapon ni Senate minority leader Aquilino Pimentel Jr. na sinadya niyang dumistansya sa kaso ni Sabio at huwag makibahagi sa proseso dahil pinsan niya ito. "Baka mabigyan ng ibang kulay. Anyway, nandu’n naman ang ilang opposition senators para magsagawa ng paglilinaw," ani Pimentel.

Ngunit sa kabila ng pagiging ‘magkadugo’ nila ni Sabio, hindi pa rin napigilan ni Pimentel na pitikin ang mga ‘superior officers’ ng walong Special Action Force (SAF) men na nakibahagi sa pagdakip sa kanyang pinsan.

Binigyan-diin ni Pimentel na dapat managot ang naturang mga opisyal sa ginawang pagsuspende sa walo nilang tauhan na walang kasalanan kundi tumupad lamang sa tawag ng tungkulin na magsilbi ng arrest warrant kay Sabio.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012