Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, October 29, 2006

P3.27-B buwis naiambag ng Subic Bay Freeport

Ang Pilipino STAR Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT – Nananatili ang Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) bilang isa sa revenue-earning economic zone ng bansa matapos makapag-ambag sa National Treasury ng P3.27 bilyon sa unang siyam na buwan ng 2006 kumpara sa P2.65 bilyon noong 2005.

Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator/CEO Armand C. Arreza, ang Subic Freeport Zone ay nakapamahagi ng revenue share sa pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC).

Ayon kay Revenue District Officer Edgar Tolentino, nakakolekta ang ahensya ng P836-milyon mula sa 5% ng corporate tax sa mga rehistradong enterprises, withholding taxes mula sa 60,000 manggagawa at mga tax receipts.

Idinagdag pa ni Tolentino na ang unang siyam na buwan ng kanilang revenue collections ay tumaas ng 20% kumpara sa P692-milyon noong 2005.

Aabot naman sa P54-milyon ang naipalabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilang munisipalidad sa palibot ng Subic Freeport at Clark Special Economic Zone bilang bahagi ng kanilang pagbibigay ng 5% gross income taxes na ibinayad ng mga imbestor sa loob ng dalawang economic zone.

Sa ulat naman na isinumite ni Customs Deputy Collector Atty. Priscilla Cordova kay Port of Subic Collector Atty. Andy Salvacion, nakakolekta naman ang kanilang ahensya ng P2.43-bilyon sa unang siyam na buwan ng 2006 mula sa payments of tariffs and duties kumpara sa P1.96-bilyon koleksyon noong 2005.

Samantala, inatasan naman ni ESS-CPD District Commander Capt. Ramon Policarpio, ang kanyang mga tauhan na higpitan ang pagbabantay sa paligid ng Customs building partikular ang pag-iimplementa sa "No ID, No Entry pass" bunga na rin ng kautusan ni Customs Commissioner Napoleon Morale. (Jeff Tombado)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012