RESOLUSYON PARA SA CITY FIESTA, APRUBADO NA!
Bilang paghahanda sa inaantabayanang City Fiesta Celebration ng lungsod sa ika-30 ng Disyembre 2006 ay sama-samang sinangayunan ng konseho ang dalawang (2) resolusyon sa City Fiesta Celebration.
Una ang Resolution No. 177 (Series of 2006) na may titulong “A Resolution Authorizing the 2006 Olongapo City Executive Fiesta Committee to use the East Tapinac Oval Track as part of their Fund Raising Activity.”
Pangalawa ang Resolution No. 179 (Series of 2006) na may titulong “A Resolution Authorizing the City Mayor to Enter into a Memorandum of Agreement with the 2006 City Fiesta Executive Committee for the Carnival Operation in the East Tapinac Oval Track as part of the Fund Raising Campaign.”
Sa bisa ng dalawang (2) resolusyon ay binibigyang karapatan ang 2006 City Fiesta Executive Committee na magamit ang ETOT sa ibat-ibang aktibidad na may kaugnayan sa nalalapit na City Fiesta celebration kasama na ang mga palaro at mga fund raising projects.
Tinaguriang Pasiklab sa ‘Gapo 2006 na bubuksan sa ika-3 ng Nobyembre 2006 ay kapapalooban ng iba’t-ibang rides, fanfare activities at night bazaar na siguradong magbibigay ng isanglibong saya para sa mga residente ng lungsod.
Ang 2006 City Fiesta ay nasa ilalim ng pamumuno ni First Lady Anne Marie Gordon at Kgd. Cynthia Cajudo bilang co-chairman. Ngayon pa lamang ay abala ng naghahanda para sa mga naka-linya nang malalaki, makukulay at gradyosong palabas para sa mamamayan ng Olongapo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home