Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, November 10, 2006

MGA BAGONG OPISYALES NG OLONGAPO

Higit na maiangat ang kalidad ng serbisyo sa publiko ang nais ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na nagbunsod sa punonglungsod na magtalaga ng dalawang (2) opisyales para sa mahalagang gawain sa City Hall.

Isa sa dalawang (2) bagong talaga ay si Motorpool Section Consultant Daniel E. Abello, ang 55 taong gulang na tubong Visaya na piniling manatili sa lungsod dahil sa maayos na trabaho sa Motorpool Division sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) noong 1992.

Taong 1998 ay nabigyan ito ng pagkakataon na makapasok sa Olongapo City Government bilang isa (1) sa mga Consultant ng Office of the City Mayor at dahil sa magandang performance ay itinalaga ito ni Mayor Gordon bilang ‘’Consultant of the Motorpool Section’’ na nasa ilalim ng Engineering Department.

Ang kumpirmasyon ay batay sa memorandum na ipinalabas ng punonglungsod kamakailan na nag-bigay atas kay Abello bilang tagapamuno sa pangangalaga at pagsasa-ayos ng mga government vehicles.

Samantala, isa pa rin sa mga bagong talaga ni Mayor Gordon na hahawak sa Medico-Legal Cases ng lungsod ay si Dr. Richard Patillano, 66 taong gulang, nagtapos sa University of Santo Tomas, College of Medicine & Surgery.

Si Dr. Patillano ay naglingkod bilang Rural Health Officer, Office of Muslim Affairs and Cultural Community Officer at sa Social Security Services (SSS) bilang Medical Director.

Ang doctor ang direktang mangangalap ng mga medical evidences at reports na kinakailangan para sa injury claims ng isang pasyente at may karapatang pumirma sa death certificate.

Ang mga opisyales ay agarang tumalima matapos ang pulong kay Mayor Bong Gordon. ‘’Malaki ang tiwala ko na malaki ang inyong magagawa para sa lungsod,’’ wika ni Mayor Gordon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012