Paputok, Produkto ng Child Labor
Base sa sa pag-aaral na isinagawa ng Child Protection Organization sa Pilipinas noong Disyembre 2002, may humigit kumulang 4,000 bata ang nagtatatrabaho sa mga pagawaan ng paputok sa Bulacan.
Ayon sa datos na nakalap, 7% ng mga batang gumagagwa ng paputok ay may edad na 6 na taong gulang pababa, 48% naman ang may 6-10 taong gulang at 45% naman ang nasa 11-15 and edad. Umaabot sa 63% sa mga batang gumagawa ng paputok ay may sakit na intestinal parasitism o bulate dahil na rin sa alikabok at dumi ng kapaligirang pinagtatarabahuhan.
Kumpara sa panganib na sinusuong ng mga batang trabahador, kumikita lamang sila sa bawat piraso ng firecrackers na kanilang ginagagawa. Ang paggawa ng isang libong binalot na trianggulo o 5 star ay may presyo lamang na P10.00-P.15.00 samantalang ang presyo ng ganitong uri ng paputok ay mabibili P5.00 isa.
Binabayaran naman ng P25.00 ang mga batang gumagawa ng judas belt kumpara sa market price nito na P300.00-P 400.00. Piso hanggang dalawang piso naman ang bayad sa mga batang gumagawa ng watusi, luses at baby rockets. Ang naturang halagang ibinabayad sa mga kabataang gumagawa ng firecrackers ay napakaliit lamang kung ihahambing sa gastusing kailangang bayaran sa ospital at gamot sakaling magkaroon ng sakuna o aksidente.
Ginulantang naman ang buong mundo ng balitang 37 estudyante mula sa third at fourth grade ang namatay sa pagsabog sa Fanglin Elementary School sa China noong Marso 6, 2001 habang gumagawa ng mga paputok sa mismong eskwelehan. Dahil sa pangyayaring ito, pinaimbestigahan ng Customs Service at Department of Labor ng Estados Unidos, ang mga paputok na pumapasok sa kanilang bansa mula sa China dahil na rin mga batas na nilalabag kaugnay ng batas laban sa child labor ng Amerika.
Lubhang mapanganib sa mga bata ang paggawa ng paputok. Ang paghahalo ng mga kemikal ay ginagawa manually ng tao dahil ang paggamit ng anumang machine sa paggawa ng firecrackers ay maaaring maging sanhi ng aksidenteng pagputok. Ang mga firecrackers ay gawa sa gunpowder upang makalikha ng tunog o pagsabog. Ang gunpowder na kilala rin bilang black powder ay mixture ng charcoal, sulfur at saltpeter (potassium nitrate). Ang trianggulo, 5 star, super lolo, thunder at pla-pla ay gawa naman sa aluminum powder, sulfur, potassium chlorate at gun powder. Dahil sa mga kemikal na ito, ang konting pagkakamali at exposure sa anumang bagay na lumilikha ng apoy ay magiging sanhi ng sakuna sa pagawaan ng firecrackers.
Ang pagbili at paggamit ng paputok, imported man o locally made ay animo’y pagkunsinte sa pamamaraan ng paggawa nito. Bawat isang paputok na sinisindihan ay katumbas ng buhay at kaligtasan ng isang batang nagtatatrabaho sa mga pagawaan ng firecrakers.
Bilang Most Child-Friendly City sa Rehiyon III, kinokondena ng Olongapo sa pamumuno ni Mayor James Bong Gordon Jr. ang pagbebenta at paggamit ng paputok ay ipagbabawal sa lungsod upang pangalagaan lalo na ang kaligtasan ng mga kabataan at upang kondenahin na rin ang child labor na malimit nang nagiging kalakaran sa paggawa ng firecrackers sa Pilipinas man o ibang bansa.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home