‘Torotot, wag paputok sa Bagong Taon’
Pinayuhan kahapon ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag gumamit ng paputok at sa halip ay mga torotot na lamang at iba pang gamit na magpapaingay sa pagsalubong ng taong 2007.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kailangan na ring bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na sa mga maliliit na paputok o laruan na nabibili sa mga tindahan dahil maaari itong sumabog o makadisgrasya.
Sa rekord ng DOH, mayroong 582 fireworks-related injuries sa buong bansa simula Dis. 21, 2005 hanggang Enero 1, 2006, mas mataas ng 6% kumpara sa bilang noong 2005 na karamihan ay mga bata na edad 9 pababa ang biktima.
Sa nasabing ulat,385 kaso ay naganap sa mga kalsada; 151 ay mga nanonood; 140 mga dumadaan; 350 ay nagtamo ng blast injuries without amputation; 99 eye injuries at 97 ay dahil nasa impluwensiya ng alak.Karaniwan namang nasusugatan ay dahil sa kuwitis at whistle bomb, illegal firecrackers tulad ng five-star, pla-pla at super lolo at 9 ang nakakain ng watusi, 2 dito ay namatay. (Gemma Garcia - Ang Pilipino STAR Ngayon )

0 Comments:
Post a Comment
<< Home