Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, November 15, 2006

MAYOR BONG GORDON, SINUYO ANG MGA KOREANONG TOURISTS AT BUSINESSMEN

Hinikayat ni Mayor Bong Gordon ang 32 Korean tourists at businessmen na magtayo ng negosyo sa Olongapo sa pagtitipon na isinagawa noong ika-13 ng Nobyembre 2006 sa Korean Restaurant, Subic Bay Freeport Zone.

Ang nasabing mga Koreano ay bumisita sa Olongapo at pinag-aaralan ang mga negosyong maaaring umangkop sa pangangailangan ng mga city residents and tourists pati na rin sa mga mamimiling mula sa karatig lugar ng lungsod katulad ng SBFZ, Bataan at Zambales.

Ipinakita ni Mayor Gordon sa pamamagitan ng inihandang slide presentation ang pagiging progresibo ng Olongapo. Nasaksihan din ng mga Koreano ang mga nakahandang plano ng pamahalaang panglungsod upang lalo pang paunlarin ang komersyo at turismo sa lungsod katulad ng pagtatayo ng 3-palapag na palengke, paglalagay ng mga shops at tindahan sa Olongapo City Boardwalk at iba pang proyekto na ang layunin ay suportahan ang pagnenegosyo.

Ipinakilala naman ni Mayor Gordon sa mga Korean businessmen sina Norie Gomez, head ng Olongapo Business Permit Office, Architect Tony-kar Balde, head ng City Planning and Development Office at Evelyn delos Santos , head ng Public Employment and Service Office (PESO) na maaaring lapitan sakaling magtatayo na ng negosyo sa lungsod. Kasama rin ni Mayor Gordon si Arlinda Pame, ang presidente ng Gordon College upang magpaliwanag naman sa mga Koreanong interesadong mag-aral ng English courses.

Ang pagsusumikap ni Mayor Gordon na pasiglahin ang negosyo at turismo sa lungsod ay bahagi ng kanyang 10-point agenda na mabigyan ng mas maraming job opportunities ang mga OlongapeƱo at magkaroon ng mataas na revenue collection na inilalaan sa mga proyektong pangkabuhayan, pangkalusugan at social services para sa lahat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012