Libreng Anti-Rabies Vaccination, Sinimulan Na!
Sinimulan na ang tatlong(3) araw na libreng Anti-Rabies Vaccination na proyekto ni Olongapo Mayor James “Bong” Gordon, Jr. Ang libreng vaccination ay mula ika-8 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 8 a.m.-5 p.m. sa Brgy. E.B.B. Brgy. Hall.
Sa pangunguna ni City Veterinarian Dr. Arnold Joseph Lopez ay nabigyan na ang isangdaan at tatlumpong(130) aso nung unang araw ng vaccination at apatnapung (40) aso sa pangalawang araw ng anti-rabies.
Ang alagang aso ay dapat pinapabakunahan ng anti-rabies vaccine sa kaniyang ikatlong(3) buwan at ang bisa ng naturang bakuna ay aabot ng isang(1) taon. Sa programang free vaccine ng lungsod, ipaparehistro lamang ang aso sa halagang Php30.00 at makakatanggap na ng libreng bakuna ang alagang hayop. Ang libreng anti-rabies vaccination na ito ay malaking tipid sa mga may alagang hayop kumpara sa presyo ng naturang vaccine sa mga pribadong klinika na umaabot sa Php250 hanggang Php300.
Si Mayor Bong Gordon kasama si City Veterinarian Dr. Arnold Joseph Lopez habang tinuturukan ng Anti-Rabies Vaccine ang alagang aso na hawak ng may-ari nito. INSET: Ang iba pang alagang aso habang naghihintay na bakunahan ng Anti-Rabies.
Sa pangunguna ni City Veterinarian Dr. Arnold Joseph Lopez ay nabigyan na ang isangdaan at tatlumpong(130) aso nung unang araw ng vaccination at apatnapung (40) aso sa pangalawang araw ng anti-rabies.
Ang alagang aso ay dapat pinapabakunahan ng anti-rabies vaccine sa kaniyang ikatlong(3) buwan at ang bisa ng naturang bakuna ay aabot ng isang(1) taon. Sa programang free vaccine ng lungsod, ipaparehistro lamang ang aso sa halagang Php30.00 at makakatanggap na ng libreng bakuna ang alagang hayop. Ang libreng anti-rabies vaccination na ito ay malaking tipid sa mga may alagang hayop kumpara sa presyo ng naturang vaccine sa mga pribadong klinika na umaabot sa Php250 hanggang Php300.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home