MGA HAYOP NA GALA, PANGANIB KAYA BAWAL SA GAPO
Ayon sa World Health Organization (WHO), pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa Western Pacific Region na may pinakamaraming bilang ng rabies-related deaths o pagkamatay sa taong 2001. Base naman sa talaan ng Department of Health (DOH), 300 hanggang 600 na Pilipino sa bawat isang milyon ang namamatay kada taon dahil sa rabies. Walong Daan (800) sa bawat 100,000 Pilipino naman ang nakakagat ng aso at ang mahigit sa kalahati ng bilang na ito ay 14 taong gulang pababa.
Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na sanhi ng virus na nagmumula sa kagat ng hayop. Ang hydrophobia o takot sa tubig, muscle spasm at paralysis ay ilan lamang sa sintomas nito. Naisasalin ang rabies sa tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na hayop na kadalasan ay aso at ang laway ng hayop na may virus ay maaaring pumasok sa mga hiwa sa balat, mata, labi at bibig, ayon kay Dr. Arnie Tamayo, City Health Officer.
Sa Olongapo, may mga kaso ng pagkagat ng hayop na kadalasan ay aso ang naitala sa James Gordon Memorial Hospital. Ang paggamot sa taong nakagat ng aso ay delikado at magastos. Umaabot sa isang libo (1,000) ang halaga ng isang botelya ng gamot na kailangang ibigay sa taong nakagat ng hayop.
Upang maagapan ang mga aksidente kaugnay ng pagkagat ng mga hayop sa mga residente ng lungsod, isinusulong ni Mayor James Bong Gordon Jr. ang “ Animal Welfare Act of 1998” at ang City Ordinance no. 23 ( An Ordinance Prohibiting the Straying or Roaming of Animals in Any Public Street, Place or Plaza in the City of Olongapo and for other Purposes).
Ang Animal Welfare Act ay isang preventive method ng gobyerno upang mapangalaagaan ang kapakanan ng tao at hayop. Ang hayop na inaalagaan ng wasto at binibigyan ng angkop na tirahan ay magiging ligtas para sa tao. Kabaligtaran naman ito ng sitwasyon ng mga galang hayop sa lansangan at mga pampublikong lugar. Nagiging mapanganib sa mga residente at motorista ang paggala ng mga hayop sa lansangan dahil na rin sa rabies na maaaring idulot nito sa taong makakagat at sa aksidente naman sa motorista.
Base sa ipinasang batas ng Sangguniang Panglungsod noong 2005, ang 17 baranggay sa lungsod ay dapat magkaroon ng animal pound na huhuli sa mga mga galang hayop sa kanilang lugar.
Ayon naman sa City Ordinance no. 30, Series of 1998 (An ordinance Amending Section 3 of Ordinance no. 23 Series of 1995, as Amended, by Imposing Additional Penalty to owners of Stray Dogs and other Animals), na sa kaso ng kagat ng aso, ang may-ari ng hayop ay dapat na magbayad sa mga gastusin ng pagpapagamot at ang pagtannggi sa obligasyong ito ay may katapatang bayad na 3,000-5,000 piso at kulong na 5-10 araw.
Ang mga hayop naman na pakalat-kalat sa lansangan ay huhulihin ng baranggay at ang may-ari ay pagbabayarin ng P150.00 pati na rin ang impounding fee na 10.00 kada araw. Hihingan din ng certificate of immunization ang may-ari ng hayop upang malaman kung sumailalim na sa angkop na bakuna ang hayop at kung hindi naman ay papabakunahan ang hayop sa gastusin ng may-ari. Kung rabid o may virus naman ang hayop ay dapat na ilibing o sunugin para sa kaligtasan ng publiko (Ordinance no. 32.).
“ Ang pag-aalaga ng hayop ay may kaakibat na responsibilidad. Bigyan natin ng angkop na bakuna at tirahan ang mga hayop na ating alaga upang hindi maging banta sa kaligtasan ng ating pamilya at kapit-bahay,” wika ni Mayor Gordon.
Para sa impormasyon tungkol sa libreng bakuna sa aso at mga hayop na alaga, sumangguni sa inyong baranggay.

1 Comments:
tanong lang po kung anong mga no. ng mga vet clinics at address po . wala po kasi kameng telephone directory ng subic-olongapo. taga subic po ako. thanks in advance!
By Anonymous, at 6/04/2008 10:58 AM
Post a Comment
<< Home