Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, December 01, 2006

Meningo outbreak sa Olongapo: 1 patay, 2 grabe

OLONGAPO CITY — Pinaniniwalaang meningococcemia ang ikinamatay ng isang 30-anyos na mister habang dalawa pa sa mga kasamahan nito ang kasalukuyang inoobserbahan sa ospital matapos mahawaan ng nakamamatay na sakit sa Olongapo City may ilang araw na ang nakalipas. Sa nakalap na impormasyon ng PSN, nakilala ang meningococcemia victim na si Ronald Brusula ng Sitio Pinagpala, Iram Resettlement Area, Barangay New Cabalan, Olongapo City. Samantalang hanggang sa ngayon ay hindi pa nabatid ang pagkakakilanlan ng dalawang kalalakihan na naghatid sa ospital sa namatay na biktima sa James L. Gordon Memorial Hospital sa naturang lungsod.

Nabatid na noong Sabado (Nobyembre 25) ganap na alas-8 ng umaga nang magtungo ang biktima sa bahay ng isa sa kanyang kamag-anak sa Sampaloc Compound, Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

Napag-alamang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at nagkaroon ng mga rushes sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan nahimatay ang biktima.

Kaagad namang itinakbo sa nabanggit na ospital si Brusula ng kanyang kasamahan, subalit pagkalipas ng 13-oras sa nasabing ospital ay namatay din ito.

Sa ginawang pagsusuri ng mga attending physicians ng James Gordon Hospital, dito lumabas na positibo sa bacteria fever na meningococcemia ang dahilan ng pagkasawi ng biktima at agad na sumailalim sa anti-meningo vaccine ang mga doktor at medical personnel upang maiwasan ang pagkakahawa sa naturang sakit.

Sinubukang makapanayam ng PSN si Dr. Arnie Tamayo, head ng City Health Office, subalit tumangging magbigay ng pahayag kaugnay sa halip ay itinuro ang public affairs office upang makipag-ugnayan, na ayon naman kay Vic Vizcocho ay kasalukuyan pa nilang inaalam ang insidente. Habang isinusulat ang ulat na ito ay hindi pa malaman kung ilan sa mga kasambahay ng biktima partikular sa kanyang tahanan sa Iram Resettlement Area at sa Sampaloc compound ang positibong nahawaan na ng nakamamatay na sakit dahil hindi pa rin nailalagay sa "quarantine treatment" ang lugar kung saan namamalagi ang lalaki. (Jeff Tombado - Ang Pilipino STAR Ngayon )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012