Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, December 10, 2006

PATULOY ANG IMBESTIGASYON SA VICTORY LINER INCIDENT

Matapos ang naganap na pagsabog sa Victory Liner Terminal sa Anonas St. West Bajac-Bajac, Olongapo City nitong ika- 30 ng Nobyembre 2006 ay balik agad sa normal na operasyon ang mga bus nito.

Sa inisyal na isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operative (SOCO) sa namatay na biktimang konduktor nito na si Louie Melano, 26 taong gulang, ay walang nakuhang shrapnel sa katawan nito.

Ayon pa rin sa imbestigasyon ng crime laboratory ay maaaring ang pagsabog ay bunga ng paputok na nakabalot at dahil sa matinding init ng sasakyan at matagal na pagbiyahe buhat sa Pasay City Victory Terminal hanggang sa Olongapo ay ng sumabog ng damputin ni Melano sa hulihang bahagi ng bus.

Ang driver ng Victory Liner bus 1565 na may plakang CWB 711 na si Angelito Espejo at ang bus washer na si Ramil Reyes ay kapwa nagtamo lamang ng minor burns bunga ng malakas na impact ng pagsabog.

Agarang ipinag-utos ni Mayor Bong Gordon ang malalimang imbestigasyon lalo pa na may isang buhay ang nalagas bunga ng insidente. β€˜β€™Ang lahat ng posibleng anggulo ay titignan. Sa ngayon ay hindi pa tayo maaaring magbigay ng anumang conclusion habang patuloy pang nangangalap ng ebidensya ang PNP,’’ wika ni Mayor Gordon.

Sinabi rin ng punonglungsod na huwag mag-panic ang mga residente ng lungsod bagamat kailangang maging alerto at mapagmasid. Nanawagan rin siya sa lahat ng saksi na magbigay ng anumang impormasyon para sa ikalulutas ng insidente.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012