Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 25, 2007

KOMPETISYON BILANG PAG-ALAALA SA "AMA NG OLONGAPO"

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan ng lungsod na ihayag ang kanilang paghanga sa "Ama ng Olongapo" na si James L. Gordon, Sr. nitong ika-24 ng Enero 2007 sa FMA Hall.

Sa pangunguna ng Department of Education (DepED) at sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo ay isinagawa ang "Division Tula & Oratorical Contests" na sumentro ang tema sa mga hindi malilimutang nagawa ni Jimmy Gordon para sa lungsod.

Sa programa ay ibinahagi ni City Mayor James "Bong" Gordon, Jr. ang magandang relasyon sa ama kabilang na ang mga aral na kaniyang natutuhan katulad ng kasipagan, katapatan at kababaang-loob.

"Bilang ama ngayon ng lungsod ay ibinabahagi ko sa inyo ang mga magandang katangian na iniwan sa akin ng aking ama na si Jimmy Gordon," wika ni Mayor Bong Gordon.

Nagpasalamat rin ang punong-lungsod sa DepED dahil sa patuloy na ipinababatid sa mga kabataan ang kasaysayan at ang koneksyon nito sa kasalukuyang tinatamasang kalayaan ng Olongapo.

Sa siyam (9) na lumahok sa Tula Contests-elementary level ay nangibabaw ang galing nina Regine Calubid (Iram Elementary School), Neal Angelo Soriano (Gordon I High School) at Jimmy Bacani (Tapinac Elementary School) na nagwagi ng 1st, 2nd at 3rd places.

Naging mahigpit rin ang laban sa Oratorical Contests-secondary level bagamat umangat sa panlasa ng mga hurado sina Ma. Cristina Cifra (Barretto High School), Ma. Ghiezel Cumigad (Olongapo City National High School) at Divine Cabarle (New Cabalan High School) na nag-uwi ng 1st, 2nd at 3rd places.

Samantala, inihayag rin ng DepED na sa darating na Pebrero 2007 ay isasagawa rin ang "Sabayang Pagbigkas" ng elementary at high school na may katulad ring tema na ang magwawagi ay ang magiging pambato ng lungsod sa national competitions.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012