Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 30, 2007

PA SYSTEM ILALAGAY UPANG UMALALAY!

"Kailangang matugunan ang mga suliraning nararanasan ngayon ng mga pangunahing lansangan sa lungsod kabilang na ang matinding trapiko lalo na sa pagsapit ng rush hour," wika ni Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon, Jr.

Kaugnay nito ay nakatakdang maglagay sa mga susunod na araw ang lokal na pamahalaan ng tatlong (3) public address system (PA system) sa ibat-ibang bahagi ng lungsod.

Ilalagay ang PA System sa Ulo ng Apo sa Rotonda, Rizal Avenue sa East Bajac-Bajac Public Market at RM Drive, mga lugar na ito ang natukoy ng Office of the Traffic Management Board and Public Safety (OTMBPS) na nagkakaroon ng pagsikip ng trapiko at bulto ng mga mananawid.

Ang PA System ay ilalagay sa command post na may mga nakatalagang trained personnel ng OTMBPS pagdating sa pagmamando sa trapiko at aalalay o mag-momonitor sa galaw ng mga mananawid o pedestrians.

Layon rin ng mga ilalagay na PA Systems ang turuan ang mga drivers at commuters hinggil sa mga batas trapiko at batas lansangan. Isang paraan rin ito upang mabilis na masita ang mga lumalabag sa batas dahil sa makukuhang atensyon ng mga taong nasa lansangan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012