Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, January 06, 2007

Tanggapan ng ‘Gapo mayor bukas sa mahihirap

Hindi bababa sa 23 bilang ng mga mamamayan ang tumanggap ng direktang tulong mula kay Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon Jr. kaugnay ng iba’t ibang suliranin na kanilang idinulog sa Office of the Mayor.

Kaugnay nito, si Olongapo First Lady Anne Marie Gordon, sa ngalan ng alkalde ng lungsod, ay personal na iniabot ang mga Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga kuwalipikadong mamamayan.

Ang naturang assistance ay kinabibilangan ng financial, burial at medical assistance, gayundin ang pagpapahiram ng mga saklay at wheelchair para sa mga mamamayang may pinsala sa kanilang katawan.

Kabilang din ang pagkakaloob ng "free boarding assistance" para sa mga transient individuals na nag-nanais nang makabalik sa kani-kanilang mga lalawigan sa ilalim ng "Balik Probinsya Program" ni Gordon. Ayon sa kanya, ang mga ipinamamahaging tulong ay ibinabase sa mga liham o personal na dumudulog sa kanyang tanggapan.

Ang mga liham ay isinasailalim naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa isang assessment of pagsusuri upang makatiyak na ang mga mapapagkalooban ng tulong ay ‘yung mga talagang nangangailangan na mamamayan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012