Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, January 05, 2007

BARANGAY OF THE YEAR AWARD

"Muli na namang pinatunayan ng Brgy. Barretto na kapag ang lider at ang tao ay nagsama ito ay magbubunga ng magandang liderato,’’ iyan ang wika ni Olongapo City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa Flag Raising Ceremony nitong ika-2 ng Enero 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Ito ay matapos iabot ng punonglungsod kay ABC President at Barretto Brgy. Capt. Carlito Baloy kasama ang mga opisyales nito ang Plaque of Recognition na ‘’2006 Barangay of the Year Award’’.

Ang plake ay bilang pagkilala ng Lungsod ng Olongapo at nang Department of Interior & Local Government (DILG) sa Brgy. Barretto dahil sa patuloy nitong pagtanggap ng pagkilala buhat sa ibat-ibang government and non-governmental organizations sa bansa.

Malaking ingay ang nilikha ng Brgy. Barretto ng tanghalin itong national awardee sa prestiyosong Lupong Tagapamayapa & Peace and Order Incentives Award para sa Highly Urbanized Cities’ Category sa buong bansa.

Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga barangay sa bansa bilang pagkilala sa kontribusyon ng lupon sa pagpapalakas ng katarungang pambarangay kung saan batayan rito ang mabilis at tamang pag-aksyon ng lupon sa mga suliraning idinudulog ng mga residente ng barangay.

Maging ang Gerry Roxas Foundation ay kinilala rin ang galing ng Brgy. Barretto sa pamamagitan ng ‘’Gerry Roxas Foundation Award of Excellence’’ dahil sa epektibong implementasyon ng batas pambangay nito.

Ang plake na pirmado nina Mayor Bong Gordon, DILG Region-3 Director Josefina Castilla-Go at DILG Secretary Ronaldo V. Puno ay iniabot sa presensiya ni DILG City Director Eliseo de Guzman na nagwikang, ‘’Sanay maging inspirasyon ang Barretto sa iba pang barangay sa lungsod.’’

Matatandaan na ang Brgy. Barretto sa magkasunod na taong 2004 at 2005 ay nag-uwi ng Lupong Tagapamayapa & Peace and Order Incentives Award kung saan naungusan nito ang mga barangay ng mga mauunlad na siyudad ng Cebu, Davao at Lucena.


Iniabot ni Mayor Bong Gordon kasabay ng pagbati kay ABC President at Barretto Brgy. Capt. Carlito Baloy ang award na tinanggap ng Brgy. Barretto na ‘’2006 Barangay of the Year Award’’ buhat sa Department of Interior and Local Government (DILG) samantalang nakamasid sa awarding si DILG City Director Eliseo de Guzman (nakatayo sa likurang bahagi ni Mayor Gordon).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012