Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, January 03, 2007

Miss World Bikini 2006

Pauline Garrison, winner in the teen category of the Miss World Bikini Contest 2006 held in Taiwan, shares her victorious moments with city officials of Olongapo led by Mayor James Gordon, Jr, during a courtesy call at city hall.
The 19-year-old lass who hails from barangay Gordon Heights in Olongapo City will enjoy a one-year all-expense paid stay in London as part of her prize. The City council passed a resolution officialy designating Ms. Garrison as the city's ambassador of goodwill. Also in photo are Councilors Ed Piano, Cynthia Cajudo, Gina Perez and Robine Rose Buenafe

Nangibabaw ang ganda ng isang Olongapeña sa Ms. Teen Bikini World 2006 Final Pageant na ginanap sa Taipe, Taiwan nitong ika-21 ng Disyembre 2006. Naungusan ni Pauline Garrison ang iba pang teen contestants buhat sa ibat-ibang panig ng mundo ng iuwi ng pambato ng bansa ang titulo.

Sa isinagawang kortesiya ni Ms. Garrison kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-27 ng Disyembre 2006 sa City Hall ay isa-isa niyang ipinakita ang dalawang (2) naiuwing tropeyo at dalawang (2) pirasong kwintas na ekslusibong ibinibigay lamang sa mga nagwaging kalahok.

Ang tropeyo na yari sa animo’y crystal ay kaniyang nakuha bilang title holder ng Ms. Teen Bikini World 2006 para sa mga kalahok na nasa 19 to 24 years old at 2nd Runner-up ng Miss Bikini World 2006 sa over-all.

‘’Si Pauline ang halimbawa ng isang Olongapeño na angat sa iba, kahit saan man dalhin ay nangibabaw ang ganda at talento. Maging Inspirasyon ka sa ibang kabataan, Pauline,’’ wika ni Mayor Gordon.

‘’Ang narating ko ngayon ay maaari ring marating ng kahit na sinong kababayan ko sa Olongapo. Ang kailangan lamang ay paniniwala sa sarili at determinasyon na magwagi,’’ wika ng labingsiyam (19) na taong gulang na dalaga buhat sa Brgy. Gordon Heights at kasalukuyang 3rd year Psychology student ng Mondriaan AURA College sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).

Unang nakuha ni Pauline Garrison ang titulong Miss Bikini Philippines 2006 kamakailan lamang na siyang nagbigay ng pagkakataon sa dalaga upang maging kinatawan ng bansa sa Miss Teen Bikini World 2006 at Ms. Bikini World 2006.

Ang nasabing pageant ay inorganisa ng Miss Tourism World Organization na may layuning itulak at palakasin ang turismo ng host country at nag-iikot sa ibat-ibang bansa sa mundo.

Samantala, nasilayan rin ng mga residente ng lungsod si Pauline Garrison ng lumahok ito sa ginanap na City Fiesta Grand Parade nitong ika-30 ng Disyembre 2006 bilang pasasalamat sa kanyang mga kababayan at maging inspirasyon sa mga kabataan ng lungsod.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012