Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, January 03, 2007

CITY FIESTA GRAND PARADE, HINANGAAN!

Napuno ng mga manunuod ang mga pangunahing lansangan sa Olongapo nitong ika-30 ng Disyembre 2006 bunga sa selebrasyon ng kapistahan ng lungsod. Partikular na naging abala ang mga lansangan ng RM Drive hanggang sa kahabaan ng Rizal Avenue patungo sa Rizal Triangle Multi Purpose Center dahil sa City Fiesta Grand Parade.

Ang City Fiesta Grand Parade ay taunang inaantabayan ng mga Olongapeño, bisita buhat sa ibang panig ng bansa kasama na ang mga balikbayang sabik na matunghayan ang selebrasyon ng kapistahan sa lungsod.

Ang parada ay nilahukan ng City Government Officials & Employees sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na pumuwesto sa viewing deck ng Rizal Triangle upang matunghayan ang kabuuan ng engrandang parada.

Lulan rin ng dumating na unang float ang mga kagawad ng lungsod at si 2006 City Fiesta Executive Committee Chair Anne Marie Gordon kasama ang iba pang kinatawan ng City Fiesta na umakyat rin sa viewing deck.

Ang delegasyon buhat sa labing¬-pitong (17) barangay ng lungsod ay kasunod ng unang float na dumating sa Rizal Triangle.

Ang engrandeng parada na nilahukan rin ng mga civic organizations, business groups, NGO’s, DepEd family at kinatawan buhat sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) ay higit pang pinatingkad ni 2006 City Fiesta Queen Maria Angelica P. Soriano ng Brgy. East Bajac-Bajac kasama ang mga prinsesa nito buhat sa iba pang labing-anim (16) na barangay. Naging sentro rin ng parada ang naging pambato ng bansa sa Ms. Bikini World 2006 ang Olongapeñang si Pauline Garrison na nanalong Miss Teen Bikini World 2006 sa Taipe, Taiwan.

Sa pagitan ng bawat delegasyon ay ang masayang tugtuging hinatid ng labing-isang (11) Marching Bands buhat sa ibat-ibang panig ng bansa samantalang hindi rin nagpahuli ang over-all champ sa isinagawang Drum & Lyre Competition nitong Disyembre 2006 na Sta Rita Elementary School.

Nagtagisan rin sa lansangan ang mga kalahok na barangay sa Street Dancing Competition at nangibabaw sa mga hurado ang choreography at Ulo ng Apo inspired costumes ng West Bajac-Bajac na sinundan ng makukulay at grandiosong floats para sa Float Competition na napagwagian naman ng McDonalds-Olongapo.

Bukod kay Mayor Bong Gordon, dumalo rin sina Senator Richard Gordon, dating Assemblywoman at Pearl S. Buck Awardee Amelia Gordon at dating Mayor Kate Gordon upang saluduhan ang kagalingan ng mga Olongapeño na pinatunayan sa 2006 City Fiesta Grand Parade.

Ang parada ay lumabas sa national TV Channel 2 ABS-CBN at internationally sa pamamagitan ng The Filipino CHANNEL (TFC) sa coverage ng kilalang TV personality na si Marc Logan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012