Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 04, 2007

BOKSINGERO NG ZAMBALES SUKO SA MGA PAMBATO NG ‘GAPO!

Mistulang ginawang gulay ng mga boksingero ng Olongapo ang mga boksingero ng Iba, Zambales sa isinagawang 2006 City Fiesta Invitational Amateur Boxing Tournament nitong ika-27 ng Disyembre 2006 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Ang labing-apat (14) na boxing bouts na ang main event ay ang tapatang team Olongapo at team Iba, Zambales ay napagwagiang lahat ng mga mabibilis at matitikas na pambato ng lungsod kabilang na ang “beteranong” si Larry Abarra.

Ang isinagawang invitational tournament na libreng napanuod ng mahigit walongdaang (800) boxing enthusiasts ng Olongapo ay bahagi pa rin ng City Fiesta activity sa pangunguna ni 2006 City Fiesta Executive Committee Chairperson Anne Marie Gordon.

Ang mga boksingerong nagwagi sa invitational tournament ay sina:
• Melchor Perez (Pag-asa) - Jr. Mosquito Weight
• Conrado Coribang (Pag-asa) – Jr. Mosquito Weight
• Alejandro Perez (Pag-asa) – Jr. Paper Weight
• Joetam David (OCNHS) – Light Fly Weight
• Janno Sambajon – Gordon Heights
• Rex Canag ( Sta Rita) – Flyweight
• Eddie Sanchez (Pag-asa) – Bantamweight
• Alejo Corpuz (New Cabalan) – Flyweight

• Pepito Delavajan (Gordon Heights) – Middleweight
• Jovelle Teves (Barretto) – Light Flyweight
• Ricardo Rivero (Pag-asa) – Bantamweight
• Larry Abarra (Barretto) – Bantamweight
• Rey Flores (New Cabalan) – Feartherweight
• Jhim Interino (East Bajac-Bajac) – Featherweight

‘’Patuloy pa ring hahasa ang lungsod ng mga boksingero na maaari nating ilaban sa mga international boxing competitions dahil ang Olongapo ay bayan ng magagaling,’’ wika ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Para sa mga nais na lumahok sa mga susunod pang boxing competitions ay maaaring makipag-ugnayan sa City Disaster Management Office (DMO) o tumawag sa 224-7846 o kaya’y sa inyong mga sariling barangay halls.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012