SINO ANG MAPAPALAD NA MAGWAWAGI SA CITY FIESTA RAFFLE?
Matapos ang makulay, masaya at mahabang selebrasyon ng Olongapo City Fiesta ay nanatili pa rin ang init ng kasiyahan lalo na ang mga umaasa na magwawagi sa gaganaping raffle promo ng City Fiesta Committee.
Sa pangunguna ni 2006 City Fiesta Executive Committee Chair Anne Marie Gordon ay gaganapin sa ika-8 ng Enero 2007, alas-9 ng umaga sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ang inaantabayang raffle ng 2006 City Fiesta Tickets.
Naglalakihang mga pa-premyo ang nag-aantabay sa mga mapapalad na pangalang mabubunot na makakatanggap ng Entertainment Showcase, Appliance Showcase at Sari-sari Store Showcase para sa 1st, 2nd at 3rd prizes.
Mag-uuwi rin ang dalawampung (20) ticket holders ng consolation prizes na kinabibilangan ng bag of goodies buhat pa rin kay City Fiesta Chair Anne Marie Gordon bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagbigay suporta sa matagumpay na City Fiesta.
Samantala, nalampasan ng mahigit 1 Milyon ng 2006 City Fiesta ang target nitong 5 Milyon na ang pondong nalikom na laan sa Scholarship, Livelihood Assistance at Philhealth Indigency Program ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor James "Bong" Gordon, Jr.
Bagamat tapos na ang buwan ng City Fiesta ay patuloy pa rin ang komite sa paghahanda ng ibat-ibang aktibidad kabilang na ang City Badminton Tournament sa ika-1 hanggang 3 ng Pebrero, Valentine Concert sa ika-14 ng Pebrero, Grand Santacruzan sa ika-26 ng Mayo at ang Cityhood Celebration & Peace and Order Parade sa ika-1 ng Hunyo 2007.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home