Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, March 20, 2007

BANTAY-BUGAW PROJECT, INILUNSAD SA ‘GAPO!

Suma-ilalaim sa training ang mahigit animnapung (60) kinatawan ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan, barangay at NGO’s ng lungsod nitong ika-14 ng Marso 2007 sa FMA Hall ng City Hall.

Pinangunahan ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP) ang training na kaugnay sa launching ng Bantay-Bugaw Project sa lungsod.

Layon ng proyekto na palakasin ang laban kontra sa human trafficking partikular na ang mga pimps o ‘’bugaw’’ na nagiging daan para sa recruitment ng mga kababaihan.

Kabalikat ng CATW-AP ang Lokal na Pamahalaan ng Olongapo sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr., na nagbigay ng mensahe kaugnay sa mga ginagawa ng lungsod laban sa women trafficking.

‘’Ang kapulisan ng lungsod ay patuloy na nagsasagawa ng panghuhuli sa mga pimps partikular na sa lugar na identified ng PNP. Ina-alam natin ang kanilang problema at tinutugunan upang hindi na sila bumalik sa kanilang bawal na trabaho,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Matapos ang training ay isang press conference ang isinagawa na pinangunahan ni Mayor Bong Gordon bilang panelist kasama sina Olongapo City Women’s Council Chair at First Lady Anne Marie Gordon at CATW-AP Executive Director Jean Enriquez.

Kabilang rin sa panel sina PNP City Director Gil Pacia, BUKLOD Federation President Alma Bulawan at Fiscal Evangeline Tiongson buhat sa City Prosecutor’s Office.

Sa Presscon ay sinabi ni Col. Pacia na kamakailan lamang ay labingtatlong (13) pimps ang nahuli samantalang patuloy pa ang ginagawang pagbabantay sa mga napag-alamang lugar na ginagawang tambayan ng mga ito.

‘’Bilang chair ng Olongapo City Women’s Council ay handa kami na tulungan ang mga biktima ng trafficking. Itinayo ng lungsod ang Center for Women bilang tahanan ng mga kababaihang biktima ng pang-aabuso,’’ wika ni Council Chair Anne Marie Gordon.

Ipinagmalaki ng CATW-AP ang Olongapo dahil sa suportang ibinibigay nito sa proyekto at inaasahang higit na maraming kababaihan ang maiiwas sa krimen na human trafficking.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012