Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, April 07, 2007

PALARO NG MGA PERSONS WITH DISABILITIES (PWD) TODO SUPORTA NI MAYOR GORDON

Masigabong palakpakan at sigawan ang salubong sa punong-lungsod nang dumalo ito sa awarding ceremonies ng ginanap na Sportsfest para sa PWD nung ika-1 ng Abril, 2007 sa East Tapinac Oval Track (ETOT).

Si Mayor James “Bong” Gordon Jr., kasama ang Head ng CSWD na si Ms. Gene Eclarino, ay nanguna sa pag-aabot ng awards na mga trophies at medals sa mga nagwagi sa iba’t-ibang palaro na ang tema ay “Ang Mga Taong May Kapansanan, May Karapatan Din”.

Lahat ng nakilahok sa para-olympics ay ginrupo sa mga team Blue, Yellow, Red at White na nag laban-laban sa Track & Field ; 25m, 50m at 100m dash, mga swimming competitions at water polo. Ang Blue team ay nanalong Over all Champion.

Nabighani ang lahat sa pinakitang gilas sa pagkanta ng isang bulag na pitong gulang na bata. May mga PWD na nagpakita ng galing din nila sa pagpinta.

Ang mga Persons with Disabilities (PWD) ay kinabilangan ng mga taong bulag, pipi, mga may saklay o wheelchair, mga autistic at iba pang kapansanan. Ang sinumang nais maging miyembro sa organisasyon na ito ay maaring makipag ugnayan sa CSWD at sa Labor Center ng City Hall.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012