Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, May 30, 2007

CALVARY CHAPEL U-TURN FOR CHRIST DARATING SA ‘GAPO

Magsasagawa ng dalawang (2) araw na Outreach Program at Evangelical Work sa Olongapo ang Calvary Chapel U-Turn for Christ.

Napili ng evangelical group sa pangunguna ni Missionary Pastor Ron Brown ang Rizal Triangle Multi-Purpose Center at East Tapinac Oval Track bilang mga venue sa ika-3 at 4 ng Agusto 2007 para sa inaasahang aabot sa limangdaang (500) miembro nito na darating.

Agad namang inatasan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang ibat-ibang departamento at tanggapan partikular na ang Parks and Plaza at ang Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) at PNP para sa agapay sa kalinisan at Peace and Order.

Bukas rin para sa non-members ang programang sasamahan rin ng ibat-ibang aktibidad tulad ng pa-raffle ng appliances at scholarships para sa mga qualified students na nais na makapag-aral.

Ang Calvary Chapel U-Turn for Christ ay binubuo ng mga Christian Discipleship na nagsasagawa ng mga volunteer work sa ibat-ibang panig ng bansa na may layuning tulungan ang mga indibidwal na nalululong sa ipinagbabawal na gamot at alcoholism at ilayo ang mga kabataan sa mapanirang bisyo.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012