Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, May 31, 2007

OLONGAPO PINAGHAHANDA SA SUBIK-SUBIK FESTIVAL AT AD CONGRESS!!

Dalawang malalaking events ang pinaghahandaan ngayon nang Lungsod ng Olongapo - ang Subik-Subik Festival at ang 20th Ad Congress na magkasunod na isasagawa sa darating na buwan ng Oktubre at Nobyembre 2007.

Kaakibat nito ay pinaghanda na ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga departamentong tututok sa mga darating na events. Partikular na inatasan ng punonglungsod ang City Tourism Office na siyang makikipag-ugnayan sa mga organizers nito.

Ang Subik-Subik Festival na unang nasilayan ang makulay at masayang palabas nito noong 2006 ay masusundan ng higit pang mas grandiosong pagtatanghal ngayong 2007.

Sa pangunguna ng Greater Subic Bay Tourism Bureau (GSBTB) at Media Trade Exchange (MTE) kaakibat ang tatlong (3) Local Government Units (LGU) kabilang na ang Olongapo, Bataan, Zambales at ang Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).

Highlight ng festival ang cultural and sports activities, Miss Greater Subic Bay Tourism Bureau (GSBTB) 2007 beauty pageant at ang inaantabayang trade fair na magpapakita sa ipinagmamalaki at kakaibang produkto ng apat na kalahok na lugar.

Samantala, matapos pumasa sa masusing panlasa ng Advertising Board of the Philippines (AdBoard) ay pormal nang itinalaga ang Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) na pagdarausan ng 20th Philippine Advertising Congress (Ad Congress) sa ika-21 ng Nobyembre 2007.

Sa pamamagitan ng AdBoard, na siyang umbrella organization ng Philippine Advertising industry ay nakaabang na ang mahigit limanglibong (5,000) opisyales, miembro, kliyente at bisita ng ibat-ibang participating agencies.

Layon ng Ad Congress na mailapit ang Advertising Industry sa publiko upang maunawaan ang kahalagahan ng industriya sa pang-araw-araw na kabuhayan ng tao.

‘’Malaki ang positibong epekto ng Subik-Subik Festival at Ad Congress sa lungsod. Turismo, trabaho at negosyo ang direktang makikinabang dito na may malaki at tuloy-tuloy na benipisyo sa Olongapo kaya kailangan na samantalahin natin ito,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012