DENGUE: Mapanganib na Sakit sa Panahon ng Tag-ulan
Isa sa mga sakit na kinakatakutan ay ang Dengue Fever at Dengue Hemorrhagic Fever….
MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SAKIT NA DENGUE
Ang DENGUE FEVER ay mala-trangkasong sakit na ikinakalat ng kagat ng lamok samantalang ang DENGUE HEMORRHAGIC FEVER ay malubha, kalimitang nakamamatay at komplikasyon ng Dengue Fever. Walang pinipili ang sakit na ito, bata man o matanda.
Ang panahong pinakamarami (peak) ang insidente ng pagkakasakit ng Dengue ay dalawang (2) buwan matapos ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan. Ang pagtaas ng kaso ng ganitong karamdaman ay mula Hulyo hanggang Disyembre.
Ilan sa mga karaniwang palatandaan ng pagkakaroon ng Dengue ay ang pagsakit ng ulo at mata, pagsakit ng buto at kalamnan, pagkakaroon ng mga rashes sa balat, pagkawala ng ganang kumain, pagsusuka at pagkapagod. Ang sakit ay nagsisimula sa biglaang pagtaas ng temperatura ng pasyente. Ang rashes ay kalimitang lumilitaw tatlo (3) hanggang apat (4) na araw matapos magsimula ang lagnat.
Karaniwang sa mga impeksyon ng Dengue ay nagreresulta sa katamtaman na karamdaman ngunit ang iba naman ay nagdidiretso sa Dengue Hemorrhagic Fever.

Kapag mayroon nito, ang blood vessels ay nagsisimulang
magkaroon ng leak o tagas na nagdudulot ng pagdurugo ng ilong, gilagid at bibig. Ang mga pasa ay palatandaan ng pagdurugo sa loob ng katawan.
Kung hindi maagapan, ang mga blood vessels ay maaaring mag-collapse at magkaroon ng shock na tinatawag na Dengue Shock Syndrome. Nagdudulot rin ito ng pamamaga ng atay at sa mas malalang kaso ay circulatory failure na nagiging sanhi ng pagkamatay.
Isa pang tagadala ng Dengue ang natukoy, ito ay ang lamok na Aedes Albopictus na karaniwang nasa rural na lugar. Ang Aedes Aegypti ay karaniwang sa mga urban na lugar. Ang lamok na ito ay kumakagat tuwing araw karaniwan mula ika-anim ng umaga hanggang ika-anim ng gabi. Kung ang isang lamok ay nakakagat ng isang taong may Dengue maaaring mahawa ang taong sunod na kinagat ng naturang lamok.
Ang sintomas ng pagkakaroon ng Dengue ay makikita apat (4) hanggang anim (6) na araw matapos ang pagkakagat ng lamok na may dalang Dengue Virus. Ang taong infected ay maaaring maging source ng virus para sa lamok hanggang anim (6) na araw.
PAGGAGAMOT SA DENGUE
Sa pamamagitan ng blood test ay malalaman kung ang isang tao ay nagtataglay ng impeksyon. Wala pang mga Dengue Vaccine na mabibili sa ngayon ngunit ang mga pananaliksik ukol sa kagamutan nito ay patuloy pang isinasagawa.
Ipinapayo sa mga pasyente ang pamamahinga at pag-inom ng maraming tubig o fluids. Dapat din na maihiwalay sila sa ibang pasyente o dapat lagyan ng kulambo upang hindi makahawa sa iba.
Ang iba namang Dengue Hemorrhagic Fever ay nangangailangan na ng blood transfusion o pagsasalin ng dugo. Walang immunity ito: maaaring ang nagkasakit na ng Dengue ay magkasakit pa uli.
PAANO MAIIWASAN ANG DENGUE
Ang lamok na tagadala ng Dengue Virus ay nangingitlog sa mga nakaimbak na tubig. Alisin ang tubig o linisin ang mga lugar o bagay na pinangingitlugan ng lamok. Karaniwan dito ay ang mga lumang gulong, paso, alulod, lata, bao ng niyog at kung anu-ano pa. Huwag mag-imbak ng basura. Isa sa mga dahilan ng pagdami ng lamok ay mga basura.
Takpan lahat ang mga tubig na iniimbak dahil gusto ng mga lamok na mangitlog sa malinis na tubig. Gumamit ng kulambo sa pagtulog o lagyan ng mga screen ang bintana at pinto. Kung may nararamdamang sintomas, ipagbigay-alam agad sa inyong mga doktok upang malunasan ng maaga ang karamdamang ito.

Labels: DENGUE, mala-trangkasong sakit, panahon ng tag-ulan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home