PAGLILINIS NG KANAL IPINAG-UTOS NI MAYOR GORDON!
Bilang paghahanda sa darating na buwan ng tag-ulan ay inatasan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang lahat ng Barangay Chairmen at kasamahang mga opisyales nito na magsagawa ng paglilinis ng kanal o declogging.
Kabilang rin sa atas ni Mayor Bong Gordon ay ang pagsasagawa ng malawakang ‘’Information Campaign’’ kada-barangay upang ipa-abot sa mga nasasakupang residente na ugaliin ang paglilinis sa bakuran at ang pagbabawal ng pagtatapon ng basura sa mga kanal.
‘’Umpisahan at ituloy-tuloy ang paglilinis ng mga baradong canal at drainages, lalo na sa mga lugar na bahain. Ang lahat ng Declogging Operations ay dapat i-coordinate sa Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) para sa maayos na pagkolekta ng mga basurang makukuha,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
Samantala, hinikayat rin ng Pamahalaang Lokal ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanilang barangay officials upang ipaalam ang mga kanal na nangangailangan ng paglilinis upang agaran itong mapag-tuunan ng pansin.

Labels: kanal, Mayor Bong Gordon, paglilinis
0 Comments:
Post a Comment
<< Home