Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, June 19, 2007

PAGBABAWAL SA BANDALISMO HIGIT PANG-PALALAKASIN

Higit pang pa-iigtingin ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang kampanya laban sa mga walang pakundangang nagsasagawa ng vandalism o grafitti sa Lungsod ng Olongapo.

Ang mga vandals na kadalasay kabataan na gumagala sa dis-oras ng gabi sa lansangan na nagsasagawa ng pag-susulat sa mga pader, puno at tanggapan gamit ang spray, marking pen o pintura ay maaaring hulihin sa akto ng barangay officials o pulis.

Pina-alalahanan rin ni Mayor Bong Gordon ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak partikular na ang mga menor-de-edad dahil kung sino man ang mahuhuling gumagawa ng bandalismo ay masasangkot rin ang mga magulang o guardian dahil sa kapabayaan.

Matatandaan na nag-alok na ang Pamahalaang Lokal ng limang libong pisong (P 5,000) pabuya sa mga makakapag-turo sa mga vandals upang higit na mapabilis ang pagsugpo sa mga naninira ng kalinisan at kaayusan ng ari-ariang pribado man o pam-publiko batay na rin sa nakasaad sa City Ordinance # 7 (Series of 1967) na nagbabawal sa vandalism o grafitti.

Sa mga makakapag-bigay ng impormasyon sa mga gumagawa ng vandalism ay maaaring tumawag sa telepono bilang 222–2565/222-2206/222-2232 o kaya’y makipag-ugnayan sa Mayor’s Office para sa detalye.




Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012