Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, June 27, 2007

‘’FREE CONCERT NG MGA SIKAT’’

Magtatanghal sa Lungsod ng Olongapo ang mga sikat na artista at banda ngayon sa bansa upang magbigay katuwaan sa mga residente ng Olongapo at mga karatig-lugar na Zambales, Bataan at Pampanga.

Sa ika-30 ng Hunyo 2007 simula ika-7 ng gabi sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ay darating sa lungsod ang nag-gagandahang miembro ng Viva Hot Babes na nagpasikat sa mga novelty songs na ‘’Bulaklak’’, ‘’Kikay’’, ‘’Basketbol’’, ‘’Bombera’’ at marami pang iba.

Darating rin ang tatlong (3) sikat na bandang 6 Cycle Mind na nag-pasikat sa awiting ‘’Sige’’ at ‘’Trip’’, Calla Lily na nagpa-sikat sa hit song na ‘’Magbalik’’ at ang Protein Shake na hit na hit ngayon dahil sa revival song na ‘’Macho Gwapito’’ ni Rico J. Puno.

Upang mapanatili at mapangalagaan ang seguridad ng mga bisita at manunuod ay inatasan na ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang ibat-ibang departamento at ahensiya ng City Hall na magsagawa ng security plan.

Unang inatasan ni Mayor Bong Gordon ang Olongapo City Police Office (OCPO) sa pamumuno ni P Sr./Supt Gil Pacia na magtalaga ng Police Security sa paligid ng venue para sa Peace and Order. Inatasan rin ang Disaster Management Office (DMO) para sa mga stand-by ambulance at personnel sa pagkakataon na magkaroon ng emergency cases.

Ang Traffic Management Board (TMB) ay aalalay naman sa trapiko para sa isasagawang motorcade sa mga pangunahing lansangan ng lungsod sa araw ng konsierto simula ika-4 ng hapon. Maging ang Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) ay magtatalaga rin ng mga kawani nito para sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng venue.

Aalalay rin ang mga Barangay Tanod ng East at West Bajac-Bajac para sa karagdagang seguridad na inaasahang libo-libong manonood ang pupuno sa venue.

Ang ‘’Free Concert na Handog ng Tanduay’’ ay sa pakikipag-tulungan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon. Sasamahan rin ng fun-games, free products sampling at raffle draws upang makapag-bigay ng kasiyahan sa mga residente ng lungsod ng libre.

Pao/rem

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012