Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, June 26, 2007

‘’SKILLS TRAINING CENTER’’

Sa inisyatiba ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay ginagamit nang Skills Training Center ang 3rd Floor ng City Hall na nagsisilbing classroom extension ng Gordon College para sa mahigit apat na libong (4,000) nakapag-tapos na ng welding training.

Ang Training Center na hinati sa dalawang (2) bahagi ay kinapapa-looban ng dalawang (2) Lecture Areas at Actual Training Area kung saan matatagpuan ang ibat-ibang makina tulad ng tatlong (3) Welding Machines, Automatic Cutting Machines at ang sampung (10) Virtual Machines na mahalaga upang masubok ang eye and hand coordination ng trainees.

Matatagpuan rin dito ang Gas Metal Arch Welding Machine na donasyon ng Hanjin Heavy Industries, Corp. (HHIC) sa Lungsod ng Olongapo upang higit pang mahasa ang kakayahan at talino ng mga sumasa-ilalim sa pag-aaral.

Matapos ang massive training na pinag-dadaanan ng bawat trainees ay agarang trabaho ang nag-aabang. Samantala marami na rin ang nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa South

Korea para sa on-the-job training ng Hanjin upang higit pang magpakadalubhasa sa larangan ng ship building, welding at painting ng barko.

Ang training ay para sa lalaki at babaing nasa 18 hanggang 40 taong gulang na nais mapabilang sa malaking workforce na kinakailangan ng Hanjin Heavy Industries and Construction Co. (HHIC) samantalang nagbubukas rin ito ng pagkakataon sa mga trainees na makapag-trabaho sa ibang-bansa o maging sa pagbubukas negosyo kaugnay sa welding.

Sa mga nais pang suma-ilalim sa training, maaaring makipag-ugnayan sa Mayor’s Office o tumawag sa 222-2565, 222-2206 o tumungo sa Olongapo City labor Center na may telepono bilang 224-8390 loc. 4150


Pao/rem

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012