Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 10, 2007

MAYOR BONG GORDON SA INAUGURAL SESSION NG ZAMBALES

Sinaksihan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang inaugural session ng Sangguniang Panlalawigan ng Zambales sa Iba Capitol nitong ika-9 ng Hulyo 2007.

Kasamang naki-isa sa inaugural session ni Mayor Bong Gordon si Vice-Mayor Cynthia Cajudo at ang bumubuo ng Olongapo City Council kasama ang mga department heads at barangay officials ng lungsod bilang ‘’show of force’’ kay Zambales Vice-Governor Anne Marie Gordon.

Sa pagbubukas ng Sangguniang Panlalawigan ay isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga Board Members ng 1st District at 2nd District ng Zambales kung saan ang lahat ay nagbigay suporta sa administrasyon ng bagong gobernador na si Amor D. Deloso.

Kasunod nito ay ang mensahe ni Vice-Governor at Olongapo City First Lady Anne Marie Gordon na nagpasalamat sa lahat ng Zambaleñong nagtiwala sa kaniya bilang bagong halal na opisyales ng lalawigan.

Hiningi rin ng bagong bise-gobernador at presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Zambales ang pagkaka-isa sa mga board members para sa mas mabilis at kinakailangang batas para sa lalawigan.

Ibinigay rin ni Vice- Governor Anne Marie ang kaniyang buong suporta sa administrasyon ni Gov. Deloso para sa mas maayos at epektibong ugnayan ng Provincial Executive and Legislative bodies.

Sumentro naman ang mensahe ni Zambales Governor Amor D. Deloso sa mga proyektong gagawin ng kanyang administrasyon sa lalawigan partikular na sa infra-structure, edukasyon, kabuhayan, trabaho at kalusugan.

Kasama rin ni Mayor Bong Gordon sa pagtitipon ang ibat-ibang Municipal Mayors bilang pagbibigay suporta sa bumubuo ng bagong set ng Provincial officers and board ng Zambales.

Si Zambales Vice-Gov. Anne Marie Gordon habang nagbibigay ng kaniyang inaugural speech sa pagbubukas ng sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Zambales nitong ika-9 ng Hulyo 2007 sa Iba Capitol.


Pao/rem

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012