ASINAN AT PAG-ASA, MAGLULUNSAD NG MINI FAIRS
Inaprubahan na ng Olongapo City Council ang Resolution Number 88 at 87 Series of 2007 na sumasang-ayon na maglunsad ng mini-fair ang Brgy. Asinan at Brgy. Pag-asa.
Matapos mailatag ang mga Barangay Resolutions No.10 at 11 na humihiling ng permiso mula sa Sangguniang Panlungsod ng Olongapo na maglunsad ng mini fair ang Asinan at Pag-asa ay inaprubahan ito ng konseho nitong ika-1 ng Agosto.
Kaugnay ng nalalapit na City Fiesta, ang mini fairs na ilulunsad ng mga nabanggit na lugar ay inaasahang makatutulong upang makalikom ng sapat na pondo ang dalawang barangay para sa pagsasakatuparan ng kani-kanilang mga proyekto.
Samantala, binigyang diin naman ng resolusyon na kinakailangang magsumite ng financial statement ang dalawang barangay pagkatapos ng mga kaganapan.
Ang nasabing resolusyon ay ipinanukala ni Kgd. Anghelito “Gie” Baloy.
PAO/jpb

Labels: Brgy. Asinan at Brgy. Pag-asa., Inaprubahan, mini-fair, Olongapo City Council
0 Comments:
Post a Comment
<< Home