Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, August 23, 2007

CITY SISTERHOOD COUNCIL, PASADO SA KONSEHO

Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang Ordinance No.30 Series of 2006 na pormal na bubuo sa Olongapo City Sisterhood Council.

Kamakailan ay nilagdaan ng City Council ang Sisterhood Ordinance na naglalayong isapormal ang Sister-City Relations Program ng Olongapo.

Sa balangkas ng organization chart ng binuong Olongapo Sisterhood Council ay pamumunuan ito ng City Mayor bilang Chairman, City Administrator bilang Vice Chairman habang sangay naman ang City Council, City Departments at mga Private/Non-Government Offices.

Pangunahing layunin ng itinatag na City Sisterhood Council ang pagsusulong ng mga “partnership” o “tie up” sa ibang komunidad sa loob at labas ng bansa. Ang mga makakatambal ng lungsod ay makatutulong sa higit pang pagpapaunlad ng Olongapo.

Naniniwala naman ang pamunuan ng Olongapo na sa pamamagitan ng Sisterhood Council na ito ay higit na mapag-iibayo ang pagsulong ng lungsod dahil na rin sa international involvement, trade and tourism development, sports and cultural exchanges at service networking na magaganap sa pagitan ng lungsod at ng mga sisiter cities nito.

Samantala, isinasaad pa rin sa ordinansa ang mga Specific Functions ng binuong Sisterhood Council. Kabilang dito ang pagdiskubre sa mga potensyal na sister cities ng lungsod, pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng sister cities gayundin sa mga local governments ng mga ito, pagsasagawa ng regular na pagbisita at exchanges, paglulunsad ng mga proyekto at programa na parehong makikinabang ang lungsod at ang sister cities, at higit pang pagpapaunlad na sariling potensyal ng Olongapo City bilang “sister city”.

Taunan namang magiging aktibidad ng Olongapo Sisterhood Council ang mga pagbisita, exchanges, tourism and trade promotion, researches, investments at socio-cultural programs sa mga katambal na lokal at internasyunal na komunidad.

Ayon pa din sa ordinansa, maglalaan ng
P25, 000.00 para sa Sisterhood Council bilang initial fund ng grupo.


PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012